^

Pang Movies

Alden at Kathryn ibang level na ang friendship, pakilig para sa pelikula nila!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden at Kathryn ibang level na ang friendship, pakilig para sa pelikula nila!
Alden at Kathryn

Hindi pa man nakaka-move on ang fans sa kilig photos and videos nina Kathryn Bernardo and Alden Richards sa birthday party ng aktres, heto’t may panibago na namang pasabog ang KathDen.

Kumalat ng Huwebes ng gabi (April 11) ang videos and photos nila sa ginanap na blessing ng bagong bahay ng aktres.

Yes, dumalo si Alden sa housewarming party ni Kath at ipinost ng mga bisita ang videos and photos nila na labis na kinakilig ng fans.

Sa isang video ay makikitang nagse-serve pa si Alden ng drinks sa mga bisita which means ibang level na talaga ang kanilang friendship.

Sa isang video naman ay makikitang masayang nagsasayaw si Kathryn habang masuyong nakatingin sa kanya si Alden. Maririnig din ang sigawan ng mga tumutukso sa kanila.

Halos hindi na makahinga ang KathDen fans sa napakaraming kilig photos and videos ng dalawa na ibinahagi ng guests.

Narito ang ilan sa kanilang comments:

“Tinutukso na sila ng mga friends ni kath. Boto sila kay Alden para kay kath!”

“Jusmio KathDen walang mapagsidlan ang saya at kilig ko sa inyong dalawa... Ung saya ni kath ang xiang ngiting walang patid ng saya ni Alden .”

“My god mababaliw na ko sa kilig sa 2 to.”

“Ang #KathDen heart ko ay di mapakali hahaha kilig, excited hahaha nu beeee my parents .”

“Ang saya nila tingnan..parang komportable sa isat isa..ung naipapakita nila ung totoong sila.”

“Iba ang saya ni Kath nowadaysm yeee! inspired yern?! .”

Matatandaang prior to this ay dumalo rin si Alden sa 28th birthday party ni Kathryn sa Palawan at sa post-birthday party nito sa Manila.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa nga rin ito sa social media at hindi pa rin matapus-tapos ang kilig ng fans.

Kylie, ayaw kaladkarin sa showbiz ang pinalit kay Jake

Sa panayam kay Kylie Verzosa ni Karen Davila ay natanong sa aktres/beauty queen kung bakit hindi nag-work out ang relasyon nila ni Jake Cuenca pero aniya ay mas gusto na lang niyang maging pribado ito.

“That part of our lives, I would prefer to just keep it to the both of us. I’m grateful for everything that happened. He is such a good person and I have nothing but good things to say about him,” pahayag ni Kylie.

Two years na raw simula nang maghiwalay sila and since then ay hindi na raw sila nagkaroon ng communication. “We’ve never seen each other, we’ve never spoken. And I think it should be like that. I don’t think exes should be... exes should remain exes,” she said.

She confirmed na may bago na siyang pag-ibig at nang tanungin kung paano niya ito ide-describe, aniya, “it’s amazing.”

Mas gusto raw niyang private na lang ang kanilang relasyon at ito raw ang kanilang napagkasunduan din. “I come from a different industry, he comes from a different industry, he respects mine and I respect his job. He’s very supportive of everything that I do and I’m so, so happy, I’m so lucky. It’s very peaceful,” aniya.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with