^

Pang Movies

Showtime, grabe ang pressure

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi pa naman pala forever ang It’s Showtime sa GMA 7. Sa ngayon tila ang usapan ay hanggang sa December 2024 lang muna.

Siguro nga kung hanggang sa panahong iyon ay manatili silang number one ibig sabihin mababawi ng GMA 7 ang nawala nilang noontime supremacy nang layasan sila ng TVJ maaaring manatili sila sa GMA 7 pero kung hindi baka nga maisipan din ng GMA na gumawa na lang ng ibang show.

Pero may mas matindi pang tsismis lang naman. Matindi raw ang pressure na kailangang mapataob nila ang Eat Bulaga sa loob ng tatlong buwan.

Base sa ratings, nananalo sa rating ang It’s Showtime, pero siyempre iba pa rin ang Bulaga dahil ilang taon na lang 50 years na sila.

Pokwang, nagtagumpay sa pagpapatapon sa EX

Tapos na ang reklamo ni Pokwang, naipatapon na sa labas ng Pilipinas ang dati niyang partner at tatay ng anak niyang si Malia na si Lee O’Brian.

Ipina-deport na pala iyon ng Bureau of Immigrations (BI)  kasabay ng solar eclipse sa US noong nakaraang Lunes, pinasakay siya sa isang PAL flight patungong San Francisco at isinama pa iyon sa blacklist ng mga Kanong hindi na puwedeng bumalik na muli sa Pilipinas.

Ang nagreklamo at nagpa-deport sa tatay ng kanyang anak ay si Pokwang din mismo. 

Hindi sila nagkasundo at naghiwalay, pero hindi iyon ang ginawang basis ni Pokwang para ma-deport ang dati niyang partner.

Sinumbong niya sa BI na si Lee ay nagtrabaho sa Pilipinas nang hindi alam ng BI at hindi rin kumuha ng working permit sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ibig sabihin illegal worker siya sa bansa.

Anyway ngayon ay single parent na si Pokwang. Mag-isa niyang papalakihin ang anak niyang si Malia.

Palagay namin malabo niyang mahingan pa ng sustento si Lee O’Brian, after all lumalabas naman ngayon na parang siya ang unang naghabol kay Lee noong magkasama sila sa isang pelikula noon ng TFC na dapat niyang ipagpasalamat dahil nagkaroon siya ng magandang anak.

Andres at Lucho, magtatapat

Pagkatapos na maging “guest” sa Eat Bulaga si Andres Muhlach na sinasabi ng marami na baka siyang sumunod na matinee idol, naging guest din nila si Lucho Agoncillo, ang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na pogi rin at sinasabing maaaring ipantapat kay Andres.

 Sa kaso ni Andres, may kontrata na siya sa TV5 dahil sa sitcom ng kanilang pamilya Da Pers Family.

Bongga, tiyak na makakatulong sina Andres at Lucho para mas maging masaya ang EB.

Direk, mas pinili ng boylet kesa sa afam

Tama si direk, mukhang ‘nagwagi ang kanyang kagandahan.’ Matapos na matsismis na nakipag-date na sa iba ang kanyang boylet buong ningning din naman daw iyong bumalik sa kanya.

Siguro nga naisip ng boylet na mas may future naman siya kay direk kaysa sa “afam” na kinuha lamang siyang ka-date.

Ibig bang sabihin noon ay hindi na paninindigan ni direk ang sinabi niyang hindi na niya tatanggapin ang boylet matapos iyong makipag-date sa iba?

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with