^

Pang Movies

Alden, sinagot ang real score nila ni Kathryn!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, sinagot ang real score nila ni Kathryn!
Alden

May pahayag na si Alden Richards tungkol sa real score nila ni Kathryn Bernardo matapos ngang umugong ang spekulasyon na may something special nang namamagitan sa kanila.

Ayon sa aktor sa kanyang panayam kay Nelson Canlas ng GMA 7, “what you see is what you get.”

Matatandaang namataang dumalo ang Asia’s Multimedia Star sa dalawang magkasunod na birthday parties ni Kath kamakailan na nagdulog ng kilig sa KathDen fans.

Dumalo si Alden sa first birthday party ni Kathryn sa Palawan at sa post-birthday party ng aktres sa Manila. Nag-viral ang mga video at larawan nilang sweet na sweet sa isa’t isa lalo na nga sa 2nd party, dahilan para mag-speculate ang marami na may namumuo nang romansa sa kanila.

Sa panayam ng aktor kay Nelson ay ikinuwento niya ang experience sa sa pagdalo sa 2nd birthday party ni Kath.

“I was invited and siyempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman ‘yung naging experience and you can see how happy Kath is right now,” sey ng aktor.

Aniya pa, hindi naman daw nawala ang friendship nila over the years simula nang magtambal sila sa blockbuster film nilang Hello, Love, Goodbye in 2019.

“Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media ‘yung mga ganyan. But you know, sometimes ‘yung mga personal things that’s happening, better be personal na lang,” sey pa ng aktor.

Balitang-balita na nga rin na magsasama ulit sina Kath and Alden sa sequel ng Hello, Love, Goodbye at isasali umano sa Metro Manila Film Festival 2024 although wala pa namang kumpirmasyon na nanggagaling sa kanilang dalawa or sa Star Cinema na producer ng pelikula.

Anak nina Dennis at Jennylyn, pinagkakakitaan ng ibang tao

Umapela si Jennylyn Mercado at ang management niya sa fake account ni Dylan Jayde Ho sa Facebook.

Si Dylan ay ang two-year-old daughter nina Jennylyn at Dennis Trillo. The actress learned na may Facebook account ang anak na hindi naman sila ang namamahala kaya naman nanawagan siya sa mga taong responsable sa page ng kanyang anak.

“Sa sinumang namamahala ng Dylan Jayde Ho account, please get in touch with my management team Aguila Entertainment para we can resolve this ng maayos po…” Jen wrote.

Pinuna rin ng aktres na balak pang pagkakitaan ng creator ang nasabing page ng kanyang anak.

“Mali naman po ata na inassume nyo basta basta ang identity ng anak ko at nagawa nyo pang iverify yung page. May subscription option pa, which suggests na posibleng pinagkakakitaan nyo pa ito.. tsk tsk. Mali po yan,” saad ni Jen na halatang imbiyerna.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with