^

Pang Movies

Sikat na aktres, nanghihiram ng pera sa fans!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kinakapos na naman daw sa pera ang sikat na aktres na aktibo pa rin sa movies at TV.

Ayon sa aming source, pinahahanap daw niya ang malalapit sa kanya ng projects at hingan ng down para sa serbisyo niya.

Habang wala pa raw project eh, humihiram muna siya ng pera sa mga kaibigang may datung na either fan niya o malapit na kaibigan.

Eh may sinusuportahan pa rin kasi ang aktres. Hindi naman siya masisisi lalo na’t wala na siyang anak na kasama sa buhay.

In fairness naman sa aktres, kapag may pera na, nababayaran niya ang kanyang nahihiraman ng pera, huh!

Regal, pila ang gagawing pelikula

Matutuloy na ang inaabangang tambalan sa big screen nina Janella Salvador at Jane de Leon na unang nakita ang screen chemistry nang magsama sa TV adaptation ng Darna.

Si Janella ang lumabas na Va­lentina habang si Jane si Darna.

Sa pahayag ng dalawa noon, payag din daw silang lumabas sa GL (girls’ love) movie  o series. Ngayon nga eh may katuparan na ito.

Isa ang Janella-Jane movie na projects ng Regal this year. Titled How To Be A Good Wife, si Jun Lana ang magiging director nito.

May dalawa pang projects ang Regal na gagawin this year, ang Guilty Pleasure nina Lovi Poe, Jameson Bake at JM de Guzman to be directed by Connie Macatuno at ang My Future You nina Seth Fedelin at Francine Diaz na si Crisanto Aquino ang director.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with