^

Pang Movies

Sanya, inaalipusta sa pagiging endorser ng international cosmetic brand

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sanya, inaalipusta sa pagiging endorser ng international cosmetic brand
Sanya

May mga hindi happy sa pagkakapili kay Sanya Lopez as the newest brand ambassador of international cosmetics brand in the Philippines na MAC Cosmetics. Nang una palang i-announce ang pagkakapili sa kanya, may mga hindi maganda ang reaction.

Inalmahan nga dahil hindi raw fluent sa English ang Kapuso actress. Mas bagay raw ito sa mga gaya nina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Pia Wurtzbach, Gabbi Garcia at Heart Evangelista.

Depensa ng fans niya at casual fans, kailan pa naging basehan ang pagiging fluent in English to promote a brand?

Pinayuhan ang netizen na nang-okray sa kanya to check her record at malalaman nito na effective endorser siya dahil lahat ng ini-endorse niya ay maganda ang ROI.

Dedma naman siya sa mga ganitong hanash ng kanyang bashers at ang importante, may mga nagtitiwala sa kanya to sell their products.

And speaking of Sanya, tuluy-tuloy na ang taping ng Pulang Araw at makikilala siya bilang si Teresita “Morena” Borromeo. Isa ito sa big project for her at isa sa most challenging. Vaudeville performer ang role nila ni Barbie Forteza at kinailangan nilang mag-aral ng tap dance.

Kyline at Darren, may nakaraan!

Nabuhay ang shippers nina Kyline Alcantara at Darren Espanto nang mag-guest si Kyline sa It’s Showtime. Dumating sila sa studio at may dala pang banner at special mention sila ni Vice Ganda.

Ibinuking naman ni Kim Chiu na habang kumakanta si Kyline, hindi kumukurap si Darren at nagkatuksuhan na nga. Sayang at walang nagbanggit sa host ng IS na there was a time naging item sina Darren at Kyline noong nasa ABS-CBN pa ang aktres. Ibig sabihin, bago pa nagkaroon ng CassRen, na-link na sila.

May article pa ngang lumabas na inamin ni Kyline na crush niya si Darren at inakala ng fans na naging sila. Natigil lang ang tsikang relasyon nila nang lumipat sa GMA si Kyline at maging girlfriend ni Mavy Legaspi.

Kaya lang, may CassRen fans sina Darren at Cassy Legaspi na nag-react sa panunukso sa kanila. Tinawag pang ungentleman si Darren at parang wala silang pinagsamahan ni Cassy. “Kalalaking tao pa issue. Nakaka disappoint ka naman Darren,” sabi ng fan.

Andres, ninerbyos sa taping

Nag-photoshoot na ang cast ng sitcom na Da Pers Family at nag-first day taping na rin ang cast na pinangungunahan ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach. Kasama nila ang kambal nilang anak na sina Andres at Atasha Muhlach.

Kasama rin sa cast sina Bayani Agbayani at Roderick Paulate at may mga kasama pa silang iba.

Sa isang larawan, may suot na apron ang main cast at may hawak na bread ang cast dahil daw ito sa bakery ang business nila Aga na namana sa kanilang mga ninuno at ipinasa kina Andres at Atasha.

Kuwento ni Atasha, ninerbyos si Andres sa first taping day nila, kaya sinabihan niyang mag-relax and to breathe na sinunod naman nito. Mas may experience na sa showbiz si Atasha dahil sa Eat Bulaga, pero si Andres, sa sitcom unang sasabak at siguradong aabangan siya ng Kapatid viewers at ibang fans.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with