^

Pang Movies

Karylle, kinampihan si Janella!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Karylle, kinampihan si Janella!
Karylle, Janella Salvador at Kim Chiu

Sinabi ni Karylle na nagkaroon lamang ng misunderstanding ang ibang mga tao nang tumanggi si Janella Salvador sa “sample-sample” na request ni Kim Chiu ng kanyang kanta. Actually nagpunta si Janella sa Showtime, kasama pa ang kanyang leading man na si Win Metawin para sa promo ng kanilang pelikula na hindi ko alam ang title. Kaya wala nga naman sa ayos kung kakantahin niya ang kantang wala namang kinalaman sa ipino-promote niyang pelikula.

Isa pa, sinabi niyang paos siya noong tanghaling iyon.

Dahil doon, may mga troll na nagsabi na para raw binastos ni Janella si Kim nang tanggihan ang request nito.

Singer si Karylle eh kaya naiintidihan niya ang nangyari kay Janella kaya tapusin na ang isyung ‘yan dahil hindi naman malaking intriga ‘yun.

Cassy kay Michael na-in love?!

Nilinaw ulit ni Darren Espanto na wala silang relasyon ni Cassy Legazpi at sila ay BFF lang.

Nagsimula lang naman ang pagla-love team sa kanila noong makita silang magkasama sa mga post nila sa social media na lumakas pa nang magsama sila sa pelikulang When I Met You in Tokyo.

Pagkatapos noon, may nagsasabi pa na dapat igawa na sila ng pelikula bilang isang love team.

Pero ‘yun nga, maraming nagsasabi na hindi naman talaga sila bagay.

Bakit kasi ipinipilit ang love team nila.

Sa totoo lang, hindi nga napansin ang tambalan nila sa pelikula dahil bukod sa napakaikli lang naman ang kanilang mga eksena mahirap ka talagang mapansin kung ang kasama mo sa pelikula ay kagaya nina Vilma Santos at Boyet de Leon.

Saka sinasabing may ibang totoong karelasyon si Cassy, si Michael Sager, na ang sabi ay nagka-deve­lopan daw noong nasa Pinakamasayang Tahanan sila.

Kaya pabayaan na lang ninyo silang manatiling magkaibigan, huwag nang ipinalit na magkaroon ng relasyon sa totoong buhay dahil malayong maganap.

Bio pic ni Imelda Papin, hanggang special screening muna

Akala talaga namin ay naipalabas na ang bio pic ni Imelda Papin sa mga sinehan dahil nagkaroon pa sila ng premiere night sa tatlong sinehan sa Megamall months ago.

Iyon pala matapos ang premiere nilang iyon wala nang nangyari. Dinala diumano iyon sa iba’t ibang lugar at nagkaroon muna ng mga special screening.

Ngayon may premiere na naman sila ng pelikula.

Mas mabuti sigurong ipagpatuloy na lang nila ang mga special screening.Tiyak na kahit papaano ay may kita sila. Kung sa theatrical run, baka mahirapan sila lalo na sa ngayon medyo walang kumikitang pelikulang pagkatapos ng MMFF.

Kung hindi sila makakaabot sa quota ng sinehan, sa halip na kumita ay sila pa ang magbabayad ng minimum guarantee sa mga sinehang maglalabas noon. Marami ngang mga pelikula na mas malaki pa ang casting pero hindi umubra sa takilya.

Tama na muna sila sa mga special screening.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with