^

Pang Movies

Regine, nahiya sa apelang national artist!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nagsalita na si Regine Velasquez hinggil sa petisyon ng kanyang fans na ideklara siyang National Artist.

Ayon sa Asia’s Songbird sa kanyang panayam sa ABS-CBN, mas marami pa raw artists na sa tingin niya ay mas qualified na maging National Artist kaysa sa kanya.

“Parang nahihiya ako. There are more artists who are more qualified. I don’t think I’m qualified yet,” sey ni Songbird.

“I still have a long way to go. But thank you. I appreciate it very much for the people na nagpu-push. Pero huwag muna, kasi mas marami ang mas inisiip ko na dapat na nandun,” she added.

Kasunod nito ay nagbanggit ng mga pangalan si Regine na mas karapat-dapat daw maging National Artist kaysa sa kanya.

“I want Pilita Corrales to be a National Artist. Jose Mari Chan. Hindi ko pa panahon ngayon. So huwag na muna. Meron pang mas qualified sa akin.”

Aniya pa, “Those are the people who should be in there, at sana malagay sila dun habang buhay pa sila para ma-enjoy nila.”

Sanya, naghahanap ng jowa sa Showtime!

Bet din ni Sanya Lopez na mag-guest ni sa EXpecially For You segment ng It’s Showtime at makahanap din ng date.

Matatandaang kasama siya sa Kapuso stars na nag-guest sa pilot broadcast ng It’s Showtime sa GMA 7 last Saturday kung saan ay naglaro siya sa Karaokids segment.

Sey niya, pangalawang guesting na niya ito sa nasabing noontime show.

“Ako personally, super happy ako every time na noong nag-umpisa rin ang It’s Showtime sa GTV, isa rin ako sa mga unang nag-guest sa kanila and every time na may ganitong opportunity talagang gina-grab ko kasi It’s Showtime is a big-big show talaga and marami ang nai-inspire at nabigyan ng inspirasyon and maraming nagiging masaya, so nakakatuwa na maging part ka ng ganitong klaseng show na talagang nagpapasaya sa mga tao,” ayon sa aktres in an interview.

At sa pangatlong guesting niya, willing daw siya na masalang sa EXpecially For You segment.

“Nako. EXpecially for you, parang wala kasi akong ano e (date) alam niyo yan ‘di ba? baka dito ko pa mahanap,” aniya.

“Kapag naghahanap kayo ng kulang diyan, single (ako)” dagdag pa ng aktres.

As we all know ay NBSB (no boyfriend since birth) si Sanya and who knows, dito niya mahanap sa It’s Showtime ang kanyang magiging first BF.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with