^

Pang Movies

Paulit-ulit na lang... David, hinihiritang mag-aral sumayaw at kumanta!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Paulit-ulit na lang... David, hinihiritang mag-aral sumayaw at kumanta!
Barbie at David

Dahil successful ang Sparkle Goes to Canada show ng love team nina Ruru Madrid at Bianca Umali, Barbie Forteza at David Licauco, at Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, magkakaroon ng bagong schedule ng show from August to October this year.

May shows din sa US  at depende sa request ng mga kababayan natin, pati sa ibang parte pa ng mundo. 

Request din ng fans na kung kasama pa rin si David sa show sa US, mag-dance lesson na raw ito pagbalik ng Manila para matuto siyang sumayaw. ‘Katuwa na inalalayan siya nina Ruru at Rayver sa kanyang number na may dance steps pa naman.

In fairness sa kanya, ginawa niya ang best niya sa pagsasayaw, pero kulang pa talaga. Sa napanood naming video, natatawa ito sa sarili dahil alam na hindi sya marunong sumayaw. Dahil magiging busy sila ni Barbie sa taping ng Pulang Araw sa kanilang pagbabalik, puwede silang mag-dance lesson kapag break time sa taping.

Hindi siya puwedeng alisin sa line-up sa Kapuso artist na dadalhin abroad dahil kahit sa Canada, ang daming tumitili noong nasa stage na siya. Pinagkaguluhan siya, patunay na hindi lang pang-Metro Manila at pang-Pilipinas ang appeal niya.

Sa singing naman, mag-voice lesson sana si David at dagdagan ang kanyang playlist para hindi pare-parehong songs ang kinakanta niya sa mga event at show gaya nito.

vuukle comment

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with