^

Pang Movies

Alden, kuning-kuning na handang pakasalan si Kathryn!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Alden, kuning-kuning na handang pakasalan si Kathryn!
Alden, Kathryn at mga kaibigan

Fake news ang lumabas na isyung sinabi raw ni Alden Richards na ‘I want to marry her’ na ang tinutukoy ay si Kathryn Bernardo.

Na kesyo inamin din niyang matagal na niyang gustong ligawan si Kathryn, hindi lang niya magawa dahil alam naman niyang may karelasyon iyon.

Siguro naman ay walang panahon sa paglalaro sa emosyon si Alden para sabihin niya ‘yan.

Iba talaga ang social media, parang ginagawang totoo ang isang bagay at maraming naniniwala ha.

Libro ni Ate Vi, ilalabas ng sikat na unibersidad

Tingnan mo nga naman, talagang ayaw tantanan ng mga film enthusiast si Vilma Santos lalo na nga ang mga kabataan na hindi naman umabot sa kanyang panahong talagang concentrated siya sa showbusiness. Karamihan sa mga bata ngayon ay nagka-isip noong mayor na siya, o governor na ng Batangas ang actress.

Hindi nila inabot ang kasagsagan ng kanyang career.

Ngayon gusto nilang mapanood ang mga klasikong pelikula niya at masagot ang lahat ng mga gusto nilang malaman. Nagsimula ‘yan dahil sa isang proyekto ng CCP, ipinalabas sa St. Paul ang kanyang pelikulang Anak at nagkaroon ng pagkakataon ang mga nanood na matanong siya tungkol sa pelikulang iyon. Sinundan ng Tagos ng Dugo sa Cinematheque FDCP (Film Development Council of the Philippines), at kinumbida rin nila si Ate Vi para sa isang talk back.

Ngayon iisipin ba ninyong pati sa UST, invited siyang magsalita tungkol sa kanyang pelikula matapos na ipalabas nila ulit ang pelikulang Anak para sa ibang grupo ng mga estudyante naman.

Natatandaan namin na dumalo rin ang Father Rector ng UST, Rev. Fr. Richard Ang OP., ng UST sa unang talk back ni Ate Vi na ginanap sa St. Paul’s, at noon pa man ay nagsabi silang sana magkaroon din ng ganoong pagkakataon ang mga estudyante ng UST. Kaya sila mismo ang humiling sa CCP na gawin din iyon sa UST.

Magaganap iyon sa Lunes. Abril 15, at magkakaroon din ng tack back pagkatapos sina Ate Vi, Claudine Barretto, at ang national artist na si Ricky Lee.

Ang pelikula ay isang natatanging sining na sa ngayon ay hindi masyadong nabibigyan ng suporta una dahil mahal nga ang admission prices sa mga sinehan, pangalawa nadala ang mga tao sa napapanood nilang mga pelikulang indie sa ibang platform.

Kaya nga ngayon ang adbokasya ni Ate Vi ay una kumbinsihin ang mga producer na gumawa ng mga pelikulang may kalidad kagaya noong araw, at ikalawa kumbisihin naman ang publiko na suportahan ang pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng panonood ng sine.

Sinimulan niya iyan noong MMFF, at ngayon pinatutunayan niyang hindi lang niya iyon ginawa para sa pelikula niyang When I Met You in Tokyo, kung di para sa buong industriya ng pelikulang Pilipino na pangarap niyang maibangon.

May isa pang dapat abangan ang mga Vilmanians, hindi magtatagal may maglalabas ng isang libro tungkol kay Ate Vi, tampok ang lahat ng kanyang accomplishments bilang isang aktres, at take note, hindi iyan tipong cheapy-cheapy na kasama sa mga bargain books sa mga tindahan.

Isang sikat na unibersidad ang publisher ng libro.

Sexbomb, binuhay ang nakaraan sa EB

Nakakagulat ang inilabas ni Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb. Nagkaroon pala ng problema ang kanilang manager na si Joy Cancio sa management ng Eat Bulaga noon, kaya hindi muna sila pinalabas noon sa show.

Pero maling diskarte nga iyon dahil matapos lamang ang ilang araw, nagpa-contest ang Eat Bulaga sa mga bagong dancer, at ang mga nanalo ay nakapalit ng Sex Bomb. Mga mas bata, mas magaganda at talagang lalaban sa talent. Alam na ng Sex Bomb na iyon na ang kanilang katapusan. Inamin din naman ni Rochelle na lahat ng naabot nila ay dahil sa mga ideya ni Joey de Leon na siya nga lumikha nang lahat.

Iyon din ang tumawag sa kanilang Sex Bomb nang sumikat ang ganoon ding kanta ni Tom Jones. Biro mo ang pangalan pala ng kanilang grupo originally ay Chicken Sandwich dancers?

Minsan talaga hindi mo masasabi ang suwerte ng tao. Hindi mo rin masasabi kung hanggang kailan tatagal.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with