^

Pang Movies

Kathryn, lagi nang naka-two piece!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kathryn, lagi nang naka-two piece!
Kathryn Bernardo

May nakita kaming photo ni Kathryn Bernardo na naka-two-piece yellow swimsuit, malayo ang kuha, kaya malabo ang picture. Parang nakaw na kuha lang ‘yun sa isang resort at dahil sa kanyang suot, obvious na nag-swimming ang aktres.

Hindi na bago kay Kathryn ang makitang naka-two-piece swimsuit at mas sexy pa nga ang photos niya sa April issue ng Mega  magazine, kaya hindi alam kung saan galing ang parinigan ng kampo ni Kathryn at Daniel Padilla.

May nag-comment kasi ng “This screams FREEEEEDOM!” na ang tinukoy ay ang bikini photo ni Kathryn. May agad sumagot ng “This screams loose” at  dito na nagsimula ang bangayan ng dalawang kampo.

Samantala, pinost ni Sen. Robin Padilla ang reels na pinost ni Karla Estrada na makikita si Daniel sa isang shop ng Jag at nagpi-fitting. Pinasalamatan si Robin ng fans ni Daniel for supporting his nephew.

Tim Yap, inimbita si Angelina Jolie sa PH

Marami ang nainggit kay Tim Yap dahil sa post nito sa Instagram kasama ang Hollywood superstar at A-lister na si Angelina Jolie. Nasa New York si Tim at nanood ng Broadway show na The Outsiders A New Musical. Si Angelina pala ang producer ng musical at nagkataong nasa theater ito nang manood si Tim.

Hindi pumayag si Tim na wala silang picture ni Angelina at ang mas nakatutuwa pa, inimbita niya ang aktres na pumunta sa Pilipinas.

Sabi ni Tim, “Need a moment to digest. Me on the outside: “Oh hi there Miss Jolie! Congratulations on producing the show!” Inside: hand fanning moment + palpitation. IT’S ANGELINA JOLIE!!!”

Nakatutuwa ang mga comment nina Anne Curtis, Michelle Dee na napa –“Whaaaat” at “Omfg” respectively. May nagpaalala pa kay Michelle na crush niya si Angelina at mami-meet din niya ito someday.

Rhian at JC, hindi nagsiraan

Puwede na palang magkatrabaho sina Rhian Ramos at JC de Vera na hindi naging maganda ang break-up. Naalala namin nang makausap si JC a few months after their break up, masama pa rin ang  loob nito kay Rhian, but in fairness to him, hindi niya siniraan si Rhian.

Nagkuwento lang siya ng konti sa break-up nila pero hindi siniraan sa press si JC. Kaya naging madali sa kanila ang makapag-move on at makahanap ng partner na mas bagay sa kanila.

Imagine kung siniraan nila ang isa’t isa, tapos ngayon, magkasama sila sa pelikulang Huwag Mo Kong Iwan with Tom Rodriguez, magkakahiyaan siguro sila sa kanilang pagkikita.

Happily married na si JC with two kids at si Rhian naman ay masaya sa piling ng boyfriend niyang si Sam Verzosa, kaya makakapag-shooting sila ng walang magiging problema.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with