^

Pang Movies

Darren, itinanggi si Cassy!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Darren, itinanggi si Cassy!
Darren Espanto at Jillian Ward

Sa gitna ng mga bali-balitang may namamagitang ‘something’ between Darren Espanto and Cassy Legaspi, kinumpirma ng singer na wala siyang girlfriend ngayon.

Naglaro si Darren sa KaraoKids segment sa pilot broadcast ng It’s Showtime sa GMA 7 last Saturday kung saan ay naka-partner niya ang Kapuso star na si Jillian Ward.

Biniro ni Vice Ganda ang dalawa na bagay raw ang mga ito at tinanong niya ang mga ito kung may boyfriend/girlfriend.

“May boyfriend ka, Jillian?” tanong ni Vice.

“Wala po,” sagot naman ng Kapuso actress.

Pagkatapos ay si Darren naman ang kanyang tinanong ng “may girlfriend ka ba, Darren?”

Nakangiting sagot ng singer, “wala” at nagkatuksuhan na.

Matatandaang si Cassy ang date ni Darren sa ABS-CBN Ball and GMA Gala. Sila rin ang magkapareha sa Metro Manila Film Festival 2023 movie na When I Met You in Tokyo. Bukod dito ay magkasama rin silang nagbiyahe sa Batangas, Japan at California.

Kaya naman ang ispekulasyon ng lahat ay nanliligaw ang binata sa anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Sen. Bong, madugo ang gagawin sa MMFF!

Inanunsyo na ni Sen. Bong Revilla na balik-pelikula siya ngayong 2024 nang makatsikahan siya ng PMPC (Philippine Movie Press Club) officers and members kahapon, Sunday.

Since tapos na rin naman siyang mag-taping ng weekly series niya sa GMA 7 na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2, ang pagkakaabalahan naman niya ngayon ay ang paggawa ng pelikula.

In fact, nag-start na siyang mag-shooting ng Alyas Pogi 4. Pero hanggang dito pa lang ang masasabi niya at ayaw pa niyang sabihin kung sino ang magiging lea­ding lady niya pati na ang ibang kasama.

Pero sinigurado ng aktor-pulitiko na malaking pelikula ito at gagastusan nila nang husto since ang produksyon ng kanyang pamilya na Imus Productions ang magpo-produce nito.

“Madugo ito, kaya sinabihan ko na sina Kuya Marlon (Bautista, his brother) na ‘o, malaking gastos natin dito, ha!” natatawang sabi ni Sen. Bong.

Willing naman daw silang sumugal basta’t sa ikagaganda ng pelikula at sa ikasusulong din ng movie industry. Sa panahon daw kasi talaga ngayon, dapat ay de-kalidad ang movie para maenggangyo ang moviegoers na pumasok sa sinehan.

Planong isali ni Sen. Bong ang Alyas Pogi 4 sa Metro Manila Film Festival 2024 kaya nakikinita-kita na naman naming magiging magandang muli ang labanan sa December filmfest.

Soon ay inaanunsyo na rin daw niya kung sino ang iba pa niyang makakasama sa movie as well as the leading lady.

 

 

vuukle comment

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with