^

Pang Movies

Kapuso big stars, dumagsa sa Showtime!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kapuso big stars, dumagsa sa Showtime!
Kapuso stars

Wala kaming nadamang salpukan ng dalawang noontime shows noong nakaraang Sabado.

Sinasabi nilang maaga pa lang ay nag-trending na ang It’s Showtime sa isang social media platform, at pinanood ng milyon sa digital platforms, pero hindi namin naramdaman.

Makikita rin ang matinding suporta ng GMA sa Showtime, isipin mong lahat na yata ng kanilang malalaking stars naging guest sa Showtime?

Hindi dapat sukatan ang mga social media platform dahil ang naglalaban ay TV show, hindi naman noontime internet streaming lang.

Pero at the end of the day, ang maglalaban pa rin diyan ay show content.

Patrick, nasira nang ‘di panagutan noon si Jennylyn

Inamin ni Patrick Garcia sa kauna-unahang pagkakataon na busted siya at hindi pinansin noong unang panahon ni Anne Curtis.

Iyon ‘yung time sikat na sikat si Patrick at hindi naman maikakaila na pogi siya talaga noon. Hawiin nga lang niya ang buhok niya tumitili na ang fans eh, pero hindi pala siya nakalusot kay Anne Curtis.

Kung sa bagay, pogi rin naman ang naging mister ni Anne na si Erwan Heusaff, at siguro nga ang naging advantage noon ay hindi siya showbiz at may matagumpay na propesyon.

Medyo nasira rin kasi noon ang image ng Patrick nang hindi niya panagutan si Jennylyn Mercado matapos niyang mabuntis.

Actually pagkatapos noon ay unti-unti nang bumaba ang popularidad ni Patrick.

Minsan talaga mahirap isipin ang mga maaaring maging bunga ng mga pagkakamali sa buhay.

Mga Pinoy, naniwala sa total solar eclipse

Maliwanag ang kapaligiran ngayon ha. Hindi nangyari ang inihuhula nilang three days of darkness.

Ang dami pa namang dumagsa sa groceries noon para mamili.

Napansin din namin ang kakaibang dami ng nagpapabendisyon ng kandila na sinasabi nilang siyang magiging ilaw lamang sa Three days of Darkness.

Iyon pala ay magkakaroon lamang ng total solar eclipse, at makikita lamang iyon mula Mexico hanggang sa North America at Canada.

 Tatagal lamang iyon ng apat na minuto at ang nakakatawa, sa Pilipinas ay hindi pa natin makikita ang eclipse na iyan.

Bakit kasi kayo nagpapaniwala sa social media eh, halos lahat naman ng nandiyan mula sa mga tsismis sa mga artista, mga gamot na ipinagbibili, at lahat halos ng balita ay majority ay fake news.

Dapat hintayin ninyo ang mga lehitimong news sources kagaya ng mga diyaryo, radio at telebisyon at mga website nila.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with