^

Pang Movies

Eat Bulaga na-Barangay Day, hindi nagpakabog sa Showtime

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Eat Bulaga na-Barangay Day, hindi nagpakabog sa Showtime
Eat Bulaga

National Barangay Day ang pasabog ng Eat Bulaga sa pangmalakasang episode ng programa kahapon!

Magarbo ang production numbers na ginawa ng mga barangay mula sa Quezon City, Navotas, Caloocan, Las Piñas, Parañaque, Pasig, Antipolo, Cavite, Pampanga at iba pa. Ang daming taong kasama sa production number na nakatodo sa costume at props! Ang saya-saya ng dating!

Sa studio naman ng It’s Showtime nagpasabog ng production numbers ang hosts at guests. Limitado sa studio audience ang nanonood.

Between EB at It’s Showtime, mas magaling talaga ang nasa likod ng Eat Bulaga sa pangmalakihang production number. Lahat talaga ng involved sa production number, gumagalaw, huh!

Kung may GMA at GNTV ang It’s Showtime, meron namang TV5 at RPTV ang Eat Bulaga, huh!

Ituloy lang ninyo ang pagbibigay ng kasiyahan at tulong sa loob at labas ng studio!

Mabuhay ang manonood!

MMFF, pinaghahandaan ang 50th year

Ang City of Manila ang mamamahala sa 2024 Metro Manila Film Festival ngayong December.

Bale ito ang 50th year ng MMFF kaya naman pangmalakihan ang inihahandang pakulo at pasabog ng lungsod sa pamumuno ni Mayora Dr. Honey Lacuna na pumirma na ng agreement sa MMDA at Mowelfund para sa kaganapang mangyayari.

Gagawing Sunday, Dec. 15, ang Parada Ng Mga Bituin sa lugar sa anim na distrito ng Manila.

Gaya ng dati, una muna iaanunsyo ng MMDA ang first 4 four official entries based on scripts at final 4 based on finished product.

May event pang gagawin na Sine Singkuwenta kung saan mapaapnood sa selected cinemas ang past MMFF movies sa halagang P50 lang! Tuloy pa rin ang short film competition.

Naku, siguradong malalampasan ng MMFF 2024 ang kinita sa takilya ng MMFF 2023 at nasisiyahan si MMDA chairman na buhay na buhay na ang pelikulang Pinoy!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with