^

Pang Movies

Daniel, ‘di kinaya ang lambingan nina Kathryn at Alden

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Daniel, �di kinaya ang lambingan nina Kathryn at Alden
Kathryn at Alden

Habang palakas nang palakas ang mga usapan tungkol kina Alden Richards at Kathryn Bernardo, tuluyan na nga yatang lumabo ang pag-asa na mag-reconcile pa ang KathNiel.

Sa takbo rin ng mga pangyayari mukhang uunahin ni Kathryn ang anumang project na pagsasamahan nilang dalawa ni Alden, hindi lamang dahil sila ang magkatambal sa highest grossing film na nagawa ni Kathryn kundi sinasabing kahit naman noon ay naging magkaibigan na sila at never na naputol ang kanilang communications.

Samantala ang tsismis, hindi raw nakayanang tingnan ni Daniel Padilla ang sweetness nina Kathryn at Alden na pictures sa social media.

Heart, kalmado sa ‘stroke’ ni Sen. Chiz

Sino ba namang kate-katera ang nagkakalat na na-stroke raw si Senador Chiz Escudero.

Hindi na siya gumawa ng statement para itanggi iyon. Nag-share ng isang live video ang kanyang asawang si Heart Evangelista habang nakikita siya sa background na nagpapagupit ng buhok at kumakain pa ng pizza. Malakas na malakas si Senador Chiz.

Kaya nga, ang tanungan sino ba iyang kate-katerang nagkalat ng ganyang balita sa internet, at kailan naman naging mapagkakatiwalaang source ang bloggers na iyan na sanay sa fake news.

Kalmadong-kalmado si Heart habang nagpipinta, at nagbibiruan pa sila ng asawang si Chiz na ginawan nila ng tsismis na na-stroke raw.

Issa, laging nakabuntot kay James!

May dahilan naman pala kung bakit nagbakasyon sina James Reid at Issa Pressman sa Bali, Indonesia. Iyon pala ay bale celebration ng kanilang first anniversary bilang mag-syota.

They have all the reasons to celebrate, isipin ninyong tumagal sila nang isang taon. Pareho silang walang malaking project dahil wala pa naman talagang malaking nangyayari sa career ni James simula noong umalis siya sa Viva.

Si Issa naman ay wala ring project dahil laging nakabuntot kay James kahit na hindi naman siya kailangang sumipot sa mga event noon.

Ang sinuwerte si Nadine Lustre simula nang makakawala siya kay James, ilang ulit na siyang nanalo ng best actress awards, lumabas kasi ang kahusayan niya eh dahil iyon ang dapat niyang ilabas dahil wala na siyang ka-loveteam. Nabuhay naman nang husto ang kanyang career, isipin ninyong nakagawa pa siya ng isang Metro Manila Film Festival top grosser.

Kung hindi siya nahiwalay sa ex at hanggang ngayon ay love team pa rin silang dalawa, ganyan kaya ang aabutin ng kanyang career?

Kung minsan hindi mo masabi talaga kung papaanong darating ang suwerte ng tao.

Ate Vi, humihirit na ng second apo

Noon pa palang araw, kahit na hindi pa sila mag-syota ni Luis Manzano ay talagang pangarap na ni Jessy Mendiola na makasama sa isang pelikula si Ate Vi (Vilma Santos).

Sigurado ngayong nalaman niya iyan, susubukan ni Ate Vi na makasama si Jessy sa isang pelikulang gagawin niya soon. At hindi naman puwedeng hindi maganda ang role ni Jessy dahil napatunayan na rin naman niya ang kanyang kahusayan bilang isang aktres, at mahal na mahal din ni Ate Vi si Jessy dahil iyon yata ang nagbigay ng kanyang kauna-unahang apo.

Pero aywan din dahil gusto nga ni Ate Vi na sana ay masundan na ng isa pa si Peanut.

Marami ang nagsasabi na siguro nga hindi magtatagal at magkakaroon na rin ng katuparan ang matagal nang pangarap ni Jessy. Sana nga mangyari na.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with