^

Pang Movies

Dominic, biglang may pa-tarp

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dominic, biglang may pa-tarp
Dominic

Nakabalandra ang tarpaulin na may litrato si Dominic Roque at katagang, “Akin ‘to!”

Sa gas station na kanyang inendorso nakalagay ang tarp na ginawan ng malisya noong kasagsagan ng hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Nakita namin ang tarpaulin sa may gas station sa Boni Avenue, Mandaluyong habang ang ibang kasamahan namin sa Marites University ay sa ibang gas station nakita.

Anyway, may bagong development sa Bea-Dom breakup. Nagla-like kasi si Dom sa post ni Bea sa Instagram kaya naman parang totoo ang balita na tila inaayos nila ang anumang gusot sa kanila.

Jennylyn, Dennis at Sam, remake ng Argentinian film ang gagawin

Lumipad na patungong Cebu City sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Sam Milby upang doon mag-shooting sa pelikulang gagawin nila.

Nakausap ni Mr. Fu ang director ng movie na adaptation ng isang sikat na Argentinian film kung tama ang pagkakatanda namin.

Sa pelikulang Rosario unang nagsama sina Jen at Dennis at sa teaser plug ng movie, tila kakaiba ang role sa movie ni Sam, huh!

Itatapat kay Vice!

Simula ngayong araw na ito, Sabado, ng panibagong round ng bakbakan sa tanghali ng Eat Bulaga at It’s Showtime!

Ngayong araw ang birthday celebration ni Vice Ganda at sa GMA 7 platform na sila mapapanood bukod sa GNTV na una nilang channel.

Ang isang pasabog ng Bulaga ay ang paglabas ni Andres Muhlach, ang kakambal ni Atasha na regular na ng Bulaga.

Ang iniwang bahay ng TVJ ang siyang bahay ngayon ng kanilang mahigpit na kalaban!

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with