^

Pang Movies

Alden at Kathryn, nagpakalat ng kilig sa kanilang yakapan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden at Kathryn, nagpakalat ng kilig sa kanilang yakapan
Kathryn Bernardo at Alden Richards

May bagong kilig video sina Alden Richards and Kathryn Bernardo na pinagpipistahan ngayon ng netizens.

Ipinost ng fashion stylist na si Priscilla Ann “Boop” Yap-Tañedo sa kanyang Instagram Story ang videos na kuha mula sa surprise birthday party na ibinigay nila kay Kath.

Makikita sa isang video ang pagdating ni Alden sa intimate party na may dalang napakalaking bouquet of flowers at gift para kay Kath.

“Kinikilig ako #KathDen,” caption ni Boop sa kanyang post.

Mapapanood sa video na nasorpresa si Kath sa pagdating ni Alden na kaagad niyang sinalubong with matching besohan.

Mas nakakakilig ang video na ipinost naman ni Earl Semitara dahil makikitang napaka-sweet nina Alden and Kath habang nagpapa-picture.

Ang higpit ng yakap ni Alden kay Kathryn na iisipin mo talagang parang hindi lang sila magkaibigan at parang may ‘something’ na.

Mabilis itong ini-reshare ng netizens sa iba’t ibang social media platform at ang da­ming kinilig sa KathDen. Halos iisa nga ang komento nila na sobrang bagay raw ng dalawa.

“Sobrang close nila Yoko mag delulu pero bat kayo ganyan KathDen,” komento ng isang netizen.

“Hala, sa true lang they look so GOOD together. lakas ng chemistry nila. kinilig ako,” reaksyon naman ng isa pa.

“Punyeta tumindig ang mga balahibo ko, gusto kong sumigaw ng malakas but I can’t do that nasa office ako,” sey naman ng isa pa.

“THEY ARE SO BAGAY hala,” obserbasyon naman ng isa pang commenter.

“Gusto ko sila :) pareho silang mabait sa fa­mily, responsible and highly motivated sa careers nila. Sana maging sila in the future,” saad ng isa pang netizen.

Mark, pikon!

Inamin ni Mark Herras na napipikon siya sa bashers na nagsasabing nawalan siya ng career dahil sa kanyang asawa’t anak.

Matatandaang ikinasal si Mark sa kapwa-Kapuso star na si Nicole Donesa noong 2021. Mayroon silang isang anak, si Mark Fernando na two years old na ngayon.

“May mga naririnig ako na parang nawala raw ‘yung career ko, nawala raw ako sa industriya or sa showbiz light dahil masyado akong nag-focus sa pamilya ko at sa pagiging daddy,” sey ni Mark sa panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz.

“I just want them to know na kung tingin nila eh nawalan ako ng career because of that, it’s okay. Kasi ako, bilang ama at bilang ama, parang never naman na pumasok sa isip ko na magiging dahilan ‘yung pamilya ko at ‘yung pag-focus ko sa anak ko para mawalan ako ng career,” he said.

At kahit ganito raw ang opinyon ng mga tao, never niyang pinagsisihan na binigyan niya ng priority ang kanyang pamilya.

“Kung tingin nila ganu’n, wala akong problema diyan. Pero hindi ko pinagsisisihan ‘yung ginawa ko na parang ibinigay ko ‘yung oras, binigay ko ‘yung lahat ng pwede kong panahon, ‘di ba, sa pamilya ko lalo na sa mag-ina ko,” ani Mark.

Tanong ni Ogie, “napikon ka ba?” at pag-amin ni Mark, “sa part na ‘yun. Kasi parang ‘wag n’yo idadamay ang pamilya ko.”

Anyway, nagpapasalamat ang aktor na binigyan siya ng teleserye ng GMA 7 at kasama siya sa Widows’ War starring Bea Alonzo and Carla Abellana.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with