^

Pang Movies

Coco, nakalaya na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Coco, nakalaya na!
Coco Martin

Bongga, aarangkada na raw ang mga pasabog na rebelasyon sa FPJ’s Batang Quiapo pagkatapos maglabas ng ABS-CBN ng isang special trailer na nakalikom na higit apat na milyong views.

Napapanood sa maaksyong trailer ang pagsisimula ni Tanggol (Coco Martin) ng bagong buhay pagkatapos niyang makalaya sa kulungan. Desidido na ngayon si Tanggol na magbagong-buhay subalit haharap ito sa sunud-sunod na pagsubok na maaaring makaapekto sa kanyang pagkatao.

Magugulantang si Tanggol sa kanyang pag-uwi dahil babanatan siya nina David at Rigor (Mccoy De Leon at John Estrada) at walang-awa nila itong papalayasin. Pero hindi lang iyon ang problemang haharapin ng kanilang pamilya dahil mabibisto na ni Marites (Cherry Pie Picache) ang panloloko ng asawa niyang si Rigor kasama ang kabit nitong si Lena (Mercedes Cabral), na nagdadalang-tao na pala.

Sa kabila ng pagpapahirap kay Tanggol, makakahanap siya ng kakampi kay Bubbles (Ivana Alawi) na nangakong tutulungan siyang maging mabu­ting tao. Bukod sa reunion nina Tanggol at Bubbles, inaabangan din ng mga manonood ang umiigting na sagupaan ng magkaribal na sina David at Pablo (Elijah Canlas).

Paano malalagpasan ni Tanggol ang walang-katapusang problema na ikinakaharap niya? Anong mangyayari sa pamilya ni Tanggol kapag nalantad na ang problema nina Marites at Rigor?

Kaloka. Ano ang mga bagong rebelasyon sa kwento ang ilan sa mga pasabog ng FPJ’s Batang Quiapo sa pag-arangkada nito para sa ikalawang taon ng programa sa ere.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with