^

Pang Movies

Willie, tuloy na sa TV5

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Willie, tuloy na sa TV5

Kumpirmado na nga ang pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame at kasadung-ka­sado na ang kanyang bagong show sa TV5. In fact, nakatakda na raw pumirma ng kontrata ang TV host ngayong Abril.

Ito ang ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang latest vlog na Showbiz Now Na with Romel Chika and Wendell Alvarez.

Ayon kay Nay Cristy, noong nakaraang linggo nagkasarahan at nagkaayos si Willie at ang Media Quest (kumpanyang nagmamamay-ari sa TV5) para sa bagong show na gagawin nito sa Kapatid network.

“Pinalipas lamang po nila ang ating pag-obserba sa Mahal na Araw at sa linggong papasok na ito, pirmahan na ng kontrata,” pagbabalita ni CSF.

Sinabi rin ni Nay Cristy na ang bagong show ay co-production ng produksyon ni Willie at ng Media Quest.

“’Yung titulo, pinag-uusapan pa ngayon tsaka ‘yung time slot. ‘Yun na lang ang nakaungaong, eh, nakabitin. Pero kumpleto na, pinag-aralan na nila ang kontrata pati ‘yung tatakbuhin ng programa, lahat ‘yun, naplantsa na,” sey ni Nay Cristy.

Cong. Lani, nami-miss na ring umarte

Inamin ni Cavite 2nd District Representative Lani Mercado na nami-miss na rin niya ang pag-arte kaya naman one of these days ay huwag na tayong magtaka kung mapanood natin siyang muli.

May mga dumarating daw na offers sa kanya at nito ngang huli ay tatanggapin na raw sana niya pero hindi nag-push through.

If ever na magkakaroon daw ng offer ngayon, aniya ay willing naman daw siya provided na magi-swak sa kanyang schedule. “Wala namang problema, tutal ang work naman namin sa Congress, may recess, eh. Sana, tumatapat sa recess,” sey ni Congw. Lani sa lunch tsikahan with the entertainment press kahapon.

Ang huli pa nga raw niyang teleserye ay Mga Basang Sisiw sa GMA-7 noong 2013 kung saan ay kasama pa niya si Bianca Umali na batang-bata pa that time.

“Si Bianca Umali, may boyfriend na,” sey niya sabay-biro na pwede na nga raw maging leading lady ng mister niyang si Sen. Bong Revilla.

Anyway, ngayong April ang birthday month ni Congw Lani at tulad ng nakagawian niya ay magkakaroon siya ng month-long activities sa Bacoor bilang birthday treat niya sa kanyang mga constituent.

Aniya ay napakarami raw ganap sa buong buwan ng Abril tulad ng blessing of covered court sa Molino 2 at ngmulti-purpose building sa San Nicolas 2 on April 2, medical mission sa Molino 2 on April 6, Passport on Wheels at blessing ng multi-purpose building sa Aniban 1 on April 12.

Sa mismong kaaraawan niya on April 13 ay magkakaroon naman ng birthday concert called “G na G with Ate Lan” kasama ang Itchyworms and Flow G, NOMO parking lot.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with