^

Pang Movies

TVJ naglalabas ng pera para sa Eat Bulaga?! Atasha pambato sa pagtapat ng Showatime?

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
TVJ naglalabas ng pera para sa Eat Bulaga?! Atasha pambato sa pagtapat ng Showatime?
Eat Bulaga hosts
STAR/File

True kaya na med­yo nagi­ging mainitin ang ulo ngayon ni Joey de Leon lately?

Medyo nag-a-adjust pa raw kasi ito sa kanilang pagiging producer din ng Eat Bulaga.

Yup, usap-usapan kasi na as a producer with TV5, hands on sina Tito, Vic and Joey pati sa finances nito.

Tulad daw kasi sa ibang negosyo, sa simula talagang kailangan mo munang mag-shell out para sa mga gastusin ng programa.

Oo nga raw at marami naman itong commercial load, pero ang dami rin diumanong expenses ng programa.

At totoo rin ba na minsan, nagkakaroon sila ng disagreements ni Vic Sotto dahil sa issue ng pera?

Mas sanay raw kasi si tito Joey na tumanggap kesa maglabas ng datung?

Ahh. Bukas ang pahinang ito sa paliwanag tungkol sa usap-usapan sa TVJ at Eat Bulaga.

Pero sa totoo lang, ang isang ma­laking asset sa kasalukuyan ng kanilang programa ay si Atasha Muhlach.

Bukod sa pleasant, very refreshing ang style of hosting ng isa sa kambal na anak nina Aga Muhlach and Charlene Gonzales.

At higit sa lahat, ang husay niya sa dance floor.

Bukod pa sa nagtapos siya ng college degree with honors.

Late last year nang pasukin ni Atasha ang showbiz.

At namana ni Atasha sa totoo lang ang looks and charm ng kanyang daddy and mommy.

Noong nakaraang taon, kinatawan niya ang Pilipinas sa sikat na Le Bal des Débutantes sa Paris, France. Sinamahan siya ng kakambal niyang si Andres na officially ay nag-aartista na rin at isa ngayon sa cutest faces sa showbiz.

Samantala, mag-uumpisa nang mapanood sa GMA 7 ang It’s Showtime beginning April 6 kaya tiyak na aabangan din ang kanilang panibagong tapatan.

vuukle comment

TVJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with