^

Pang Movies

Matteo nawawala sa sariling shows, laging nakabuntot kay Sarah

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Matteo nawawala sa sariling shows, laging nakabuntot kay Sarah
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
STAR/File

Sinamahan ni Matteo Guidicelli sa blue carpet ng Billboard Philippines si Sarah Geronimo na isa sa honoree.

Si Matteo rin ang nag-present kay Sarah bilang first Billboard Philippines Woman of the Year. Ang sweet ng pagkakabanggit niya sa pangalan ni Sarah.

Sabi pa niya, “Always behind you, my love” at “Proud of you, my love” sa kanyang porma, pati siya pinuri dahil he looks dashing and debonair raw, ayon ito kay Dra. Vicki Belo.

Supportive husband daw ito kay Sarah at lahat ng mga event ni Sarah, sinasamahan niya para na rin siguro mawala ang stage freight ng misis.

May nag-comment lang na baka tamarin na siya sa kanyang career kung puro na lang si Sarah ang kanyang inaalala. Hindi na nga raw siya napapanood sa Black Rider at kung mapanood man, isa o dalawang eksena lang at madalang pa.

Pati raw sa Unang Hirit hindi na siya madalas mapanood dahil laging kasama ni Sarah.

Karylle, umayaw sa show ni Dingdong

Hinanap ang pangalan ni Karylle sa hosts ng It’s Showtime na maggi-guest sa Family Feud, pero hindi siya kabilang. Ang kumpirmadong guest sa isa sa anniversary episode ng show hosted by Dingdong Dantes ay sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Jugs Jugueta at Amy Perez. Sila ang nasa Team Vice.

Kabilang naman sa Team Anne sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Teddy Corpuz at Ogie Alcasid.

Sa April 5, ang target airing ng episode na tamang-tama lang dahil sa April 6, magsisimula ang airing ng It’s Showtime sa GMA 7. May mga nag-comment ng baka matalo ang energy ni Dingdong kina Anne at Vice na alam na mga hyper na host.

Inaabangan din ang magiging opening spiel ni Ogie na nagbabalik-GMA. Maaalala ring siya ang first host ng Family Feud nang unang umere sa bansa – mula 2001 to 2002 na umere sa ABC network pa noon at TV5 na ngayon. Sa muli niyang paglabas sa show, contestant na siya.

Sabi naman ng netizens, maganda na rin hindi kasama si Karylle dahil baka haluan na naman ng intriga.

Xian, binanatan sa mga sinabi kay Boy Abunda

Grabe ang hatred ng netizens kay Xian Lim dahil sa mga ipinahayag nito nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda na finale promo na rin nila ni Jennylyn Mercado. Magtatapos na sa Wednesday, March 27, ang Love. Die. Repeat na umeere sa GMA 7.

Sinabi lang ni Xian na “Love is very painful, and it’s also a very magical feeling, I think that’s what love does to you but at a certain point, love disappears,” overacting na ang reaction ng netizens.

Sa sobrang galit ng iba, tinawag na “user” si Xian na kahit si Kim Chiu, hindi magugustuhan.

May nagsabi pang ang career ni Xian ang magdi-disappear sa ginawa niya kay Kim at may nag-akusa pa sa kanya na nag-disappear lang ang love niya kay Kim dahil may iba na siyang mahal habang may relasyon pa sila.

Kaya tama ang desisyon nito na i-off ang comment box ng Instagram dahil sa mga masasakit na comment.

As for mawawalan siya ng career ngayong break na sila ni Kim, hindi naman siguro papayag ang Viva Artists Agency na talent management niya at Viva Entertainment na mawala siya. Tiyak na bibigyan nila ito ng project bilang actor at director.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with