^

Pang Movies

Rayver, nag-public apology sa pambabatok kay Julie Anne

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rayver, nag-public apology sa pambabatok kay Julie Anne
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

Naglabas agad ng public apology si Rayver Cruz matapos makatanggap ng matitinding batikos dahil sa ikinilos niya sa isinagawang live stream nila ni Julie Anne San Jose last Saturday.

Ipinost ng isang netizen sa X (dating Twitter) ang ilang bahagi ng live stream ng JulieVer at ang nakasaad sa caption ay: “May pa drug test ba kayo @gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag prod or pumasok ang artists niyo? Mukhang nakalusot e. Ang lala ni rayver cruz, lasing ba siya or naka marijuana? Tamang laughtrip at kita na sabog e.”

Mapapanood sa video na super kulit ni Rayver, super hyper at tawa nang tawa. In one instance ay parang binatukan (ng very slight lang naman) niya pa ang girlfriend.

Habang seryosong nagsasalita si Julie Anne ay panay rin ang pangungulit nito na pati nga ang aktres ay nadi-distract.

Sa isang bahagi naman ng video ay mapapanood ang paraan ng pagsagot niya na parang hindi seryoso at tila naglalaro.

“’Yung paghahanda namin, nag-ano kami, parang sa rehearsal room, naghawak-hawak kami ng mga kamay, and then pumikit kami, and then niramdam lang namin ‘yung bawat isa, and then ‘yeah let’s do this brad,’” ani Rayver sabay-tawa.

Sa comment section ay binatikos ng netizens si Rayver pero marami rin naman ang nagtanggol sa kanya.

Hindi rin nakatiis si Julie Anne at nagkomento rin sa naturang post para ipagtanggol ang boyfriend. “Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop,” ang pakiusap ni Julie Anne.

Nang gabi ring iyon ay nag-post ng public apology si Rayver sa kanyang X account kasabay ang paglilinaw na hindi niya binabastos ang girlfriend.

“Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I’m with my love. She knows that, she knows me.

“I don’t usually speak up pero ibang usapan na ang accusations,” pahayag ni Rayver.

Paliwanag niya, “Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right. Hinawakan ko yung bohok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don.”

Aniya pa, mahal na mahal daw niya si Julie Anne at sobra ang respeto niya rito.

“I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya.”

Sofia, pinaubaya kay lord ang kasal kay Daniel

Ipinauubaya na lang ni Sofia Andres kay Lord at sa panahon ang pagpapakasal sa partner na si Daniel Miranda.

Sa latest Instagram post ng aktres ay ipinaliwanag niyang hindi naman daw sila kailangang magmadali.

“Staying true to my own path, because I answer to my heart and soul, not to those who seek to dictate my journey.

“I believe in God’s timing and trusting in His plan. No need to rush – I have a lifetime to navigate. Matrimony will come when the time is right. In a world full of opinions, I choose to listen to my heart & I’m thankful for all I have, trusting in His plan to provide even greater blessings,” pahayag ni Sofia.

“I’m empowering others to choose their own path, shaping their own future.

“At least I’m not forcing anyone with anything & just grateful for the blessings in my life –an amazing daughter, supportive partner, and wonderful friends,” aniya pa.

Nagtitiwala na lang daw siya sa plano ni Lord at kung talagang not meant to be sila ni Daniel, alam daw niyang dadalhin sila ni Lord kung saan sila nakatakda.

“And you know what? even if it’s not meant to be, I trust that God has a plan for us and our genuine hearts will lead us to where we are meant to be. Dan and I are always gonna be there for each other,” she said.

“I am not a selfish person and will never be. Life is such a wonderful ride let’s just enjoy it & it’s too short to fuck it up,” sey pa niya.

Daniel and Sofia have been together since 2017 at mayroon na silang isang anak, si Zoe, born in 2019.

 

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with