Paghihiganti at hagupit ng naapi, mas titindi pa sa Makiling
MANILA, Philippines — Humanda nang bumaliktad ang inyong mundo sa mas pinatinding mga eksena sa revenge-drama series ng GMA Public Affairs na Makiling.
Sa pagbabalik ni Amira (Elle Villanueva) para maghiganti, mabubulabog ang makapangyarihang pamilya Terra at ang Crazy 5. Matapos makatikim ni Oliver (Teejay Marquez) ng hagupit ni Amira, mararamdaman ni Portia (Myrtle Sarrosa) na hindi magtatagal at siya naman ang magiging target ng paghihiganti,
Dahil alam ni Portia na masasaktan si Amira kapag nalaman ang lihim na relasyon ng kapatid na si Rose (Thea Tolentino) at ng dating boyfriend na si Alex (Derrick Monasterio), gagawa siya ng paraan para siya mismo ang maglantad ng sikretong ito.
Sa pag-inda ni Amira ng masasakit na katotohanang mabubunyag sa kanya, paaalalahanan siya ni Maria Makiling (Rabiya Mateo) ng tunay ng rason ng kanyang pagbabalik – kabilang na ang pagkamit ng hustiya para sa kanyang pumanaw na ama.
Sa kanyang paghihiganti, makakamit kaya ni Amira ang hustisyang inaasam niya?
Napapanood ang Makiling, 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
- Latest