^

Pang Movies

Matapos ang ahasan Devon, mas feel maging single

Gorgy Rula - Pang-masa
Matapos ang ahasan Devon, mas feel maging single
Devon Seron

MANILA, Philippines — Naungkat ang isyung breakup noon nina Kiko Estrada at Devon Seron nang nakatsikahan namin ang aktres na bahagi sa pelikulang After All na magsu-showing na sa Feb. 28.

Kuwento ng reincarnation itong After All at inilalahad sa pelikula ay “love is eternal.”

Kaya tinanong namin si Devon kung naniniwala ba siya sa kasabihang ‘yun, pagkatapos ng nakakaintrigang breakup nila ni Kiko na nasangkot pa roon si Heaven Peralejo.

Safe lang ang sagot ni Devon. Pero natanong pa uli siya tungkol sa kanila ni Kiko, kung nakapag-move on na ba siya roon at napatawad na niya ang dating nobyo. “You have to forgive to move on. For me kasi, I’m not just doing it for you know, para sa ibang tao. I’m doing also for myself,” pakli niya.

Wala talaga siyang sinagot tungkol kay Heaven na napagbintangang ‘naahas’ siya ng aktres. Ayaw na raw niyang magsalita, na baka ikasakit pa ng ibang tao.

Sa ngayon ay single raw siya, pero may mga nakaka-date naman daw siya.

Doctor Slump actor, napuno ang Araneta!

Sobra kaming nag-enjoy sa fan meeting ng sikat na Korean singer/actor na si Park Hyung-sik. Wala akong maalala kung may napanood ako sa mga K-drama ni Hyung-sik, pero siya ang lead actor sa K-drama na Doctor Slump na hindi nalalaglag sa top 10 trending sa TV shows sa Netflix.

Nakakatuwa ang guwapong Korean singer/actor na ito dahil nakikitang mabait siyang tao.

Ang isa pang nagustuhan namin sa nakaraang fan meeting niya, ang ganda ng production. Maayos ang coordination hanggang sa Hi and Bye portion niya pagkatapos ng show.

Gustung-gusto ko ang host ng show na si Janeena Chan na nakakatuwa ang mga hirit niya na akala mo matagal na niyang kakilala si Park Hyung-sik.

Pangalawang dalaw na ito ni Park Hyung-sik sa Maynila, at nangako siya na babalik siya uli.

vuukle comment

DEVON SERON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with