^

Pang Movies

Hurado ng MIFF, nalito sa best actor/best director para kay Boyet?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Hurado ng MIFF, nalito sa best actor/best director para kay Boyet?!
Christopher de Leon

Usap-usapan ngayon ang pang-iisnab ng Manila International Film Festival (MIFF) kay Christopher de Leon sa pelikulang When I Met You in Tokyo.

Pero sa totoo lang hindi basta-basta ang mga hurado -

 Marie Jamora (head of the jury) isa sa first Filipinos sa Directors Guild of America; Leah Anova (director of photography); David Maquiling ( Writer/Director of Too Much Sleep) and Sumalee Montano

(investment banker na ngayon ay actor-producer).

Open diumano ang kanilang diskusyon matapos na mapanood ang mga pelikula sa MIFF at saka sila namimili sa pamamagitan ng secret ballot na binuksan lamang diumano noong mismong gabi na ng awards night, at certified ng mga lisensiyadong accountants.

Iyong sistemang involved dito ay parang iyong ginagawa ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) dito sa Pilipinas. Walang duda.

Kaya naman siguro nang ideklarang Best Actress si Ate Vi sa MIFF wala nang nakakibo.

Hindi nila masasabing nalakad ni Ate Vi, dahil wala nga siya sa Amerika at tiyak hindi naman niya kakilala ang mga iyon.

Pero bakit nga ba hindi kinilala ang husay ni Christopher bilang leading man ni Vilma?

Ang sagot na nakuha namin ay simple, “tumayo kasi siyang associate director ng pelikula nila, parang mali yatang pangalanan pang best actor ang director ng isang pelikula. Tumaas na siya ng isang category pa kaysa sa ibang aktor. Kung baga sa boxing heavy weight na siya, bantamweight ang mga kalaban niya,” paliwanag ng isang nakausap namin tungkol dito.

At baka nga ‘yun ang dahilan, itinaas ni Boyet ng sarili niya to a higher category as actor-director kaya nangimi silang isali siya sa best actor lang.

 At gaya rin ni Ate Vi, kailangan pa ba ni Boyet ng awards? Hindi na eh, siguro karangalan iyon ng pelikula pero kay Boyet wala  na iyon. Naging best actor na siya sa una pa lang niyang pelikula at pagdating sa acting, henyo na siya.

Wala na siyang kailangang patunayan.

Xian, mas priority ang lolo at lola kesa lovelife

Ano nga ba dahilan ng sinasabing break up nina Bea Alonzo at Dominic Roque? Kung kailan nabalitang pakakasal na nga, invited pa raw si Kathryn Bernardo pero hindi si Daniel Padilla ay hindi, tapos ngayon ay biglang may problema raw.

Ano rin ang sinasabing natuklasan ni Kim Chiu kaya nakipag-break kay Xian Lim? Totoo nga kayang nadismaya lang siya na ayaw mag-asawa si Xian hanggang buhay pa ang lolo at lola niya?

Mayroon bang third party, kung mayroon ay sino at ano?

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with