^

Pang Movies

Klea Pineda, namundok kasama ang girlfriend

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Klea Pineda, namundok kasama ang girlfriend
Klea Pineda at Katrice Kierulf

Sinimulan ni Klea Pineda ang 2024 sa pag-hike sa bundok kasama ang kanyang partner na si Katrice Kierulf.

Pinost ni Klea sa kanyang Instagram ang photos nila ni Katrice na nasa Sambong Peak sila ng Mt. Kulis sa Tanay, Rizal.

“What good way to start the year with you,” caption pa ni Klea. 

“Living life to the fullest with my best friend,” caption naman ni Katrice.

Halos buong 2023 ay magkasama ang dalawa. Isa sa memorable trip nila together ay sa Japan noong November 2023. In-explore nila ang mga magagandang pasyalan sa Osaka at Kyoto.

“Thank you for always making my heart happy, for loving me, and for being the amazing girlfriend I could ever ask for,” caption ni Klea.

Maraming netizens, karamihan ay mga miyembro ng LGBTQIA+ community, ang kinikilig sa posts ng dalawa simula noong mag-out si Klea last year at aminin ang relasyon nila ni Katrice. 

Ysabel, tuloy ang pag-aabogado

New look para sa taong 2024 si Ysabel Ortega!

Pinagupitan ni Ysabel ang kanyang mahabang buhok para sa mas chic hairstyle na uso ngayong taon : Dark brown shoulder-length with layers and curtain bangs.

Thankful si Ysabel sa nagdaang taon dahil naging very productive ang kanyang showbiz career. Sinimulan niya noong 2023 sa paglabas sa live-action remake ng iconic anime series na Voltes V: Legacy bilang si Jamie Robinson. Natapos naman niya ang taon sa 2023 Metro Manila Film Festival Best Picture na Firefly.

Dalawang negosyo rin ang binuksan niya kasama ang mga business partners.

Noong December 2023 naman ay natupad ang childhood dream niya na magkaroon ng sariling bakery. Partner ni Ysabel sa bakery business ang  ina, ang dating aktres na si Michelle Ortega. 

At siyempre, maganda rin ang lovelife niya dahil sa relasyon nito with Sparkle leading man Miguel Tanfelix. 

Patuloy din ang pag-aaral niya ng law. Childhood dream daw niyang maging isang abogado.

Ex ni Joe Jonas, aristocrat ang bagong karelasyon

Naka-move on na si Joe Jonas sa failed marriage niya sa aktres na si Sophie Turner. 

Pagkatapos na mag-file ni Joe ng divorce last year, nakitang may iba nang kasamang girl ang singer sa pagpasok ng bagong taon.

Nakunan ng TMZ si Joe kasama ang former Miss Teen USA winner Stormi Bree. Pasakay sila sa isang private jet from Los Cabo.

Si Sophie naman ay balitang dine-date ang aristocrat na si Peregrine Pearson. Nakita ang Game of Thrones star na kahalikan si Pearson sa Gard du Nord train station in Paris noong November 2023.

 

vuukle comment

KLEA PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with