^

Pang Movies

Ang lakas sana ng dating... Philippines bet Yllana Marie Aduana, Miss Earth Air lang ang nasungkit

SO CHISMIS ITOH - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ang lakas sana ng dating... Philippines bet Yllana Marie Aduana, Miss Earth Air lang ang nasungkit
Yllana Marie Aduana
STAR/ File

Hindi man nakuha ang title at korona, hinirang bilang Miss Air sa Miss Earth 2023 ang ating bet na si Yllana Marie Aduana. Ginanap ang pageant sa Ho Chi Minh City, Vietnam noong nakaraang Biyernes.

Naging isa sa favorite candidates sa pageant si Yllana kaya inasahan ng maraming pageant na nauwi nito muli ang Miss Earth crown para sa bansa. Pero si Miss Albania Drita Ziri ang nagwagi at naging bahagi ng Top 4 si Yllana kasama nila Miss Vietnam (Miss Water) at Miss Thailand (Miss Fire).

Isang licensed medical laboratory scientist and model by profession si Yllana na taga-Siniloan, Laguna. Ang kanyang advocacy ay para sa education to help fight climate change.

Huling nagwaging Pinay sa Miss Earth ay si Karen Ibasco noong 2017. Ang iba pang nanalong Pinay ay sina Karla Henry (2008), Jamie Herrell (2014), and Angelia Ong (2015).

Robert Pattinson, ikakasal na sa model

Engaged na ang Twilight star na si Robert Pattinson sa model na si Suki Waterhouse. Noong 2018 sila unang nag-date.

Nakunan si Suki na suot ang isang giant diamond ring sa London kasama ang aktor. Kasalukuyang buntis si Suki na kinumpirma niya last month habang nasa Corona Capital Festival in Mexico.

Sey pa ng bida ng Daisy Jones and The Six: “I’m shocked that I’m so happy with someone for nearly five years. I think he feels the same about me. We’ve always got so much to say, and I find him hilarious.”

Nakarelasyon din ni Suki noon sina Bradley Cooper, Miles Kane, Diego Luna, James Marsden at Nat Wolff.

vuukle comment

EARTH

MISS

MISS AIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with