Cassy, sigurado na kay Darren!
Na-corner ng entertainment press ang nali-link ngayong sina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa grand mediacon ng When I Met You in Tokyo at kinulit-kulit sila sa estado ng kanilang relasyon ngayon.
Pero wala pa ring kinumpirma ang dalawa at sey ni Darren, wala naman daw kasing aaminin.
“Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa ‘min, ‘yun na ‘yun,” sey ni Darren.
Hindi naman daw sila nape-pressure na paulit-ulit silang tinatanong tungkol dito.
Sey ni Cassy ay secure naman daw siya sa friendship nila ni Darren at anuman ang mangyari ay nasa likod nila ang isa’t isa.
Sabi naman ni Darren, ang mas nape-pressure raw ay ang fans nila pero thankful naman daw sila sa support ng kanilang tagahanga.
Samantala, masayang-masaya sila na finally ay nagkasama na sila sa isang movie na akala nila ay hindi mangyayari since magkaiba sila ng network.
“We never thought it would be possible kasi hindi naman po kami from the same network. We didn’t know how it would happen and here it is, When I Met You In Tokyo, nagkasama rin po kami ni Cass and we’re so honored to be part of this project,” sey ni Darren.
“And kaya rin naman po ako mas napa-oo agad kasi they said that my partner would be Cass in the film, so it made things so much easier for me as well,” dagdag pa ng singer.
Sey naman ni Cassy, talaga raw matagal na nilang wish ni Darren na magkatrabaho kahit nga raw sa short film lang kaya sobrang thankful siya na napili sila sa When I Met You in Tokyo na bigatin pa dahil ang kasama lang naman nila ay no less than Vilma Santos and Christopher de Leon.
Showing na sa Dec. 25 ang pelikula bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2023. Ito ay mula sa direksyon nina Radu Peru at Rommel Penza under JG Productions, Inc.
Eric, tutok sa Starkadas
Iniharap sa entertainment press via digital mediacon ang 33 new StarKadas artists ng Net25’s Star Center kasama ang head ng nasabing talent agency na si Eric Quizon.
Inanunsyo sa nasabing digital mediacon ang bagong reality show na Road to Starkada na mapapanood sa Net25 featuring the 33 artists.
“We are thrilled to introduce Road to Starkada, a reality show that goes beyond entertainment, providing a platform for our youth to shine and showcase their unique abilities. Through this show, we hope to unearth the hidden gems among Filipino teens and offer them an opportunity to embark on a life-changing adventure,” pahayag ni direk Eric.
“This is one way of introducing them, eh. Kaya I suggested to have a StarKada journey and ito na nga ‘yun, kaya nabuo ‘yung Road to Starkada.
“After this, magkakaroon pa sila ng ibang shows and this time, to showcase further their real talents,” dagdag pa ng head ng Net25’s Star Center.
Ipapakita raw sa nasabing show ang auditions ng mga bata, gayundin ang workshops and training na ginagawa ng mga ito sa kasalukuyan at ang mga weekly challenges na haharapin ng mga artists.
“Basta ang masasabi ko lang, itong 33 na ito, piling-pili sila at alam ko na magaling sila at alam ko na mayroon silang ibubuga, mayroon silang ipapakita.
“That’s the reason why, kung bakit din gusto kong ipakita namin itong show na ‘to kasi, gusto ko, makilala n’yo sila. Because like I said, I’m very proud of them, at alam ko na pwede ko silang ipagmalaki, pwede ko silang isalang. Some of them can dance around the other actors in other networks. Some of them can act around the other actors in other networks,” pagmamalaki pa ni Direk Eric.
The 33 StarKada artists are Aaron Gonzalez, Arwen Cruz, Bo Bautista, Celyn David, Chelsea Bon, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Enrico Cruz, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jam Aquino, Jannah Madrid, John Heindrick, Juan Atienza, Kanishia Santos, Marco Ramos, Migs Rubia, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Gilbert, Ornella Brianna, Patrick Roxas, Rachel Gabreza, Shira Tweg, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Victoria Wood, Yvan Castro and Zach Francisco.
- Latest