^

Pang Movies

TVJ, matagal pa ang laban sa TAPE!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
TVJ, matagal pa ang laban sa TAPE!
Tito, Vic at Joey

Iginigiit ng mga abogado ng Tape Inc., na gagamitin nila ang lahat ng probisyon ng batas para mabaliktad ang naging desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na kinansela ang kanilang trademark registration matapos na patunayang ang tunay na may-ari ng Eat Bulaga trademark ay ang TVJ.

Mapapahaba pa nila ang kaso at marami pa silang magagawang apela, kahit na sabihing in the end ay matatalo sila magagawa nilang pahabain ng taon pa ang kaso para patuloy nilang magamit ang titulong Eat Bulaga kahit na kanselado na ang kanilang trademark registration.

Sa kabilang banda, wala namang kailangang patunayan pa ang TVJ dahil alam naman ng publiko kung sino ang talagang may-ari at nakaisip ng pangalang Eat Bulaga.

Mahaba pa nga ang labanang iyan pero hindi mo kailangang maging isang magaling na abogado o magaling na manghuhula para malaman mo kung sino ang mananalo in the end.

Sharon, may hanash na naman kay Gabby

Nagsalita na naman nang patapos si Sharon Cuneta, at nagsabing iyon daw pagsasama nila ni Gabby Concepcion sa Dear Heart concert ang huli na nilang pagsasama talaga. Hindi namin maintindihan kung sino talaga ang apektado kasi sa pamilya naman ni Gabby walang reaction. Ibig sabihin ang pamilya lang ni Sharon ang nagre-react.

Ngayon inaamin naman niya na ang concert na iyon ay idea ng kanyang team kinuha lang naman nila roon si Gabby at hindi naman maikakaila na kumita iyon nang malaki at dinumog ng mga tao isang bagay na matagal na ring hindi nangyayari kay Sharon.

Marami nga ang nagsabi na kung nasakyan lang niya iyon nang husto baka maging malaking hit pa ang pelikula niya sa festival dahil makukuha niyang muli ang Gabby-Sharon fans na siya namang marami talaga.

Kahalayan ng male starlet, pinag-interesan ng mga marites!

Aba ayaw pa ring tumigil ng mga Marites sa pagtatanong sa amin tungkol sa aming blind item noong isang araw at take note, may offer pang magbabayad sila kung ipapakita namin sa kanila ang pictures at video na sinasabi namin. Ipapadala daw sa aming GCash.  

Para malaman po ninyo wala kaming GCash at hindi kami gumagamit niyan. Isa pa, may tsismis kaming nasasagap pero hindi po namin negosyo ang magbenta ng mga mahahalay na video at pictures.

Hanapin ninyo kung sino ang talagang kumuha ng mga picture at video na iyon ng male starlet at doon kayo mag-alok na bumili, hindi po sa amin.

vuukle comment

TAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with