^

Pang Movies

Janine, mas swerte sa career kesa sa Pag-Ibig!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Masasabing suwerte si Janine Gutierrez, nakagawa siya ng isang magandang pelikula at nanalong Best Actress sa EDDYS Awards pa. Kaya nga ang nasabi ni Lotlot de Leon nang tanggapin ang tropeo ng karangalan para sa kanyang anak ay, “iyong matagal ko nang pinapangarap ang nakuha ang anak ko”

Pero mukha yatang totoo ang kasabihan na hindi ka maaaring maging matagumpay sa pag-ibig at sa career nang sabay.

Suwerte na ni Janine, kahit na sabihin mong may ka-tie pa siya, si Max Eigenmann, at least hindi isang hotoy-hotoy o money-making awards ang napanalunan niya kundi ang prestigious na EDDYS na ipinagkakaloob ng mga iginagalang na entertainment editors ng mga mahahalagang diyaryo sa bansa.

Pero sa kabila ng tagumpay niya sa kanyang career, ay mukha namang hindi siya suwerte sa kanyang pag-ibig. Matagal din silang naging mag-syota ni Rayver Cruz, at ang akala nga ng iba ay talagang sila na ang magkakatuluyan kahit na wala pa naman silang inaamin na sila na nga. Pero aywan kung bakit, bigla silang nabalitang split na.

Nagka-split na nang tuluyan ang dalawa at nagkaroon ng tsismis na nililigawan daw ni Paulo Avelino si Janine.

Pero nabalita na lang na split na rin silang dalawa kahit na wala pang inaamin na mag-on sila.

Sana, mas pagbutihan na lamang ni Janine ang kanyang acting, pagbutihin niya ang pamimili ng projects, at lalo na ng mga tatanggapin niyang manliligaw.

Sana makakita siya ng isang lalaking bagay sa personalidad niya.

Kim, pinag-iingat sa tulis ni Paulo!

Mukha ngang nagkakaroon ng rigodon ngayon ng love teams, ang consistent na chika ay si Kim Chiu at Paulo Avelino na raw at split na rin daw si Kim sa kanyang long-time boyfriend na si Xian Lim.

Na parang tama lang naman dahil parang magkaiba na sila ng tinatahak na career.

 Baka nga mas maging bongga pa si Kim Chiu kay Paulo pero kailangang mag-ingat siya dahil matulis ang aktor, baka isang araw ay mabalita na lang na manganganak na siya nang hindi kasal sa ama.

Male starlet, may ebidensya ang pagraket

Nagulat na lang kami nang biglang inilabas ng isang rich gay ang ang isang compromising photograph ng isang male starlet, at ikinuwento niyang apat na beses na raw niyang naka-date, pero mabilis ding pinagsawaan dahil hindi raw impressive ang tool.

Inamin naman niyang binayaran niya iyon ng hindi birong halaga. Pero ang point, pumatol iyon sa kanya at may nakuha pa siyang mga ebidensiya. Mayroon pa raw siyang video na kung saan ang private garments ng male starlet ay pinalagyan noon ng “Gatas ng dragon” at saka ibinigay sa kanya bilang souvenir.

Ganyan naman talaga ang mga kuwentuhan, basta payabangan na lumalabas na ang hindi naman dapat lumabas, kaya iyong mga nagsa-sideline diyan, ingat lang para hindi kayo masyadong nabubuking.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with