^

Pang Movies

Marian, mas naging maalaga sa katawan

Joe Barrameda - Pang-masa

Bongga talaga si Marian Rivera. Kahit umeedad na, the more siyang pinuputakti ng mga endorsement.

Ang maganda sa misis ni Dingdong Dantes ay alaga ang  pangangatawan at health niya.

Lalo na may pinalalaki siyang dalawang anak.

Sabagay ganun din naman si Dingdong Dantes na super alaga rin sa kanyang pangangatawan.

At importante kahit nasa mataas na ng estado ng buhay nila ay parehong mabait at nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa nila.

Kaya naman hindi tinigilan ni Anna Magkawas, ang may-ari ng Luxe Skin, na makuha ang serbisyo ni Marian para i-endorse ang bago nilang produkto na Ecran De Luxe na isang silicone sunscreen gel na siyempre sinubukan muna ni Marian bago tanggapin ang offer.

Rob, ‘di nababakante

Bongga ang pagbabalik teleserye ni Claudine Barretto sa GMA na Lovers/Liars na siyang pumalit sa slot ng Unbreak My Heart nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia. Ito ay isang collaboration ng GMA at Regal Entertainment.

Nagsimula na ito noong Lunes ng gabi at naging maganda ang reception ng televiewers.

Mga bagets ng Sparklers ang mga katrabaho ni Claudine rito.

May nagtatanong sa akin ba’t hindi nawawalan ng work si Rob Gomez at magagandang role pa ang napupunta sa kanya.

Sabagay alaga siya ni Dondon Monteverde.

Samantala, napapanood ang Lovers/Liars Monday to Friday after Abot-Kamay Ang Pangarap sa GMA.

Maricel, ‘di dinamdam ang mga pananakit

Puro iyak na naman ang nangyari sa mediacon ng In His Mother’s Eyes. Natanong kasi sa mga cast mula kay Ms. Maricel Soriano ang hindi nila malilimutan sa naging relasyon sa kanilang ina.

Siyempre sina Maria at Roderick Paulate ay sumakabilang buhay na ang mga ina at alam ng lahat kung gaano sila sobrang close sa ina nila. Naging sandalan nila noong nabubuhay pa ang mga ito.

Ang theme kasi ng In His Mother’s Eyes ay tungkol sa anak na may autism kaya talagang napag-usapan ang tiyaga ng mga magulang sa kanilang anak.

Lubos naman ang galak at pasasalamat ng producer na si Ms. Flor Santos kina Maricel at Roderick na tinanggap ang project at perfect sa anak na bida rin sa pelikula, si LA Santos.

May eksena si LA na tinulak niya si Maricel at bumagsak ito sa lupa. Pero hindi ito ininda ni Maricel.

Napahanga pa nga siya kay LA dahil ginawa nito ang lahat para maging makatotohanan ang kanilang eksena.

Bukod dito malakas din ang naging sampal ni Roderick kay Marya,

Pero hindi rin ito ikinasama ng loob ni Maria. Matibay na magkaibigan sina Maricel at Roderick kaya walang problema kahit na nga pangmalakasan ang kanilang eksena sa pelikulang ipalalabas din sa Nov. 29.

vuukle comment

MARIAN

MARICEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with