^

Pang Movies

Ruffa, naki-join sa Miss Universe!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ruffa, naki-join sa Miss Universe!
Ruffa
STAR/ File

Ang bongga naman ni Rufa Mae Quinto na nakipagsabayan sa Miss Universe candidates.

Nilabas ng Kapuso comedienne ang kanyang inner Michelle Dee habang suot ang isang sexy black sequined dress na may mataas na slits sa gilid. Sinabayan niya pa ito ng smokey eye makeup na hango rin sa makeup ng anak ni Melanie Marquez.

Caption niya sa kanyang Miss Universe-inspired photoshoot, “Kaya pa ba? … I
road myself to miss yo universe , Go go go Philippines !
“I love and support you Queen @michelledee !  bilang suporta kay Michelle at naka-tag pa ito.

Ayon pa sa komedyante ay kaibigan niya ang nanay nito at Miss International 1979 na si Melai na nakatrabaho nito sa pelikulang Super B at sa seryeng Marinara.

Dagdag pa nga nito ay pa-join daw sa Miss Universe.

Marami namang netizens at fans ang naaliw at bumilib sa mga litrato ni Rufa Mae na lumitaw ang kaseksihan at hindi raw nagpapahuli sa mga kandidata ang kagandahan. Natuwa rin ang mga ito sa pagpapahayag nito ng suporta kay Michelle na kasalukuyang sumasabak sa El Salvador para sa 2023 Miss U.

Dagdag pa nitong post bilang suporta sa bansa para sa pageant, “Todo na natin ito Philippines (Ph flag emoji) 2024!

Napapanahon ang pag-post ni Rufa Mae dahil nakaabang ang mga Pinoy kung maiuuwi ngayong taon ang korona.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with