^

Pang Movies

Ate Vi, apaw ang kaligayahan kay Peanut

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Ate Vi, apaw ang kaligayahan kay Peanut

Pagkaraan ng anim na taon ng hindi pagdidirek, balik-pelikula bilang director ang award-winning and box office director na si Dan Villegas sa pelikulang Uninvited kung saan tampok na mga bituin ang Star for all Seasons at dating public servant na si Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre kasama sina Mylene Dizon, RK Bagatsing, Elijah Canlas, Gio Alvarez, Ketchup Eusebio, Gabby Padilla, Cholo Barretto at iba pa. Ang writer-director na si Antoinette Jadaone ang tatayong producer under Mentorque Productions and Project 8 Project.

Ayon na rin mismo sa fiancé ni Direk Dan na si Direk Antoinette Jadaone, talagang pinaghandaan umano nang husto ni Direk Dan ito dahil matagal siyang hindi nagdirek at mga de kalibreng artista ang kanyang hahawakan tulad nina Vi, Aga at Nadine.

Ang Uninvited ay second movie bale ni Vi after her comeback movie with Christopher de Leon nung nakaraang taon, ang When I Met You In Tokyo na siyang nagpapanalo sa kanya bilang Best Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival at iba pang award-giving body.

Speaking of Vi, hindi nito ikinakaila na sobra umano siyang nag-i-enjoy sa kanyang bagong role bilang lola ni Peanut, ang kanyang kauna-unahang apo sa kanyang panganay na anak na si Lucky Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with