^

Pang Movies

Ricci ‘di tinatapos ang laundry issue dahil sa endorsement?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Si Daniel Padilla na ang idinikit ngayon kay Andrea Brilliantes. Pero ang dating ex-boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero ang kanyang girlfriend ngayon na si Konsehala Leren Bautista ay sa laundry o labada pa rin ang inilalabas sa social media account nila.

Of course, alam ng lahat na mula kay Andrea ang laundry issue kahit walang pinatutungkulang tao ang latest Instagram story nina Ricci at Bautista.

Tungkol ito sa isang tambak ng labada na hugis Christmas tree na may star na sa tuktok. Ni-repost ni Ricci ang photo at nagsabing, “Buo na pala.”

Siyempre, sa hindi nakaaalam sa issue, matatawa lang sa IG story ng lovers. Pero sa may alam, either matatawa o maiinis dahil hindi na natapos ang laundry issue nito.

Naibalit sa Marites University na may advertisers ng detergent soap o washing machine na gustong kunin ang showbiz couple maging endorsers nito, huh!

Aba bongga kung matutuloy dahil ‘yung negatibong issue sa kanila eh magi­ging positibo ang epekto sa kanila, huh!

DongYan, may niluluto kasama si Vice

Sumabog na naman ang social media nang ilabas ang scene drop sa pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nitong nakaraang mga araw!

Milyon ang hinamig ng scene drop na patunay ng pagka-miss ng fans ng dalawa ang kanilang tambalan!

Nakuhanan pa ng picture sina Dong at Yan na kausap si Vice Ganda. Feeling ng netizens, may nilulutong project para sa kanilang tatlo in the future, huh!

Mula sa APT, Star Cinema at Agosto Dos ang Rewind na sa December 25 na mapapanood!

vuukle comment

ANDREA BRILLIANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with