^

Pang Movies

Gabby, sobra pa ang asim

Joe Barrameda - Pang-masa
Gabby, sobra pa ang asim
Carla, Gabby at Beauty

MANILA, Philippines — May bagong pinagkakaabalahan ang Kapuso viewers tuwing hapon simula noong Lunes pagkatapos ng Magandang Dilag na pinagbidahan ni Herlene Budol. Ito ay ang Stolen Life starring Gabby Concepcion, Carla Abellana, Beauty Gonzales at ang nagbabalik na si Celia Rodriguez.

Pero sa totoo lang, sa edad ni Gabby ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pagkasimpatiko  at marami pa rin ang nahuhumaling sa kanya.

Kaya bagay na bagay sa kanya ang role niya sa Stolen Life na pinag-aagawan nina Carla at Beauty.

Hindi naman masyadong mabigat ang kuwento ng Stolen Life pero papasukin nito ang mundo ng astral projection na may pagka-hilarious lalo na ang character ni Carla habang kontrabida ang role ni Beauty.

Kaya naman sobra ang pasasalamat ni Beauty sa GMA Network sa magagandang project na ibinibigay sa kanya simula nang lumipat siya rito.

Benz, bubuhayin ang Totoy Mola

Isang mangingisda pala ang role ni Benz Sangalang sa upcoming Vivamax offering na Salakab kung saan si Angeli Khang ang katambal niya. Bale first time ni Benz kay Angeli at matagal na raw niyang pinapangarap ito. Type raw ni Benz ang sexy star kaya bigay na bigay siya sa kanilang mga eksena.

Ayon pa kay Benz ito na ang pinakamatinding ginawa niya kaya binigay niya ang lahat-lahat,

Dagdag pa niya, palaban daw si Angeli at hindi lang isa kundi marami silang love scenes dito sa iba’t ibang lugar.

Dumating pa siya sa point na obsessed talaga siya sa sexy star.

Bukod sa Salakab, gagawin din ni Benz ang Totoy Mola 2. Ito na daw ang biggest break ni Benz sa 2024.  

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with