^

Pang Movies

Aktor, hinahabol ng kliyente ng partner na online seller ng branded bags

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pumalpak pala ang kinakasama ng isang sikat na aktor na hindi na masyadong aktibong aktres na nagbebenta ng branded bags sa online.

Palibhasa, kilala ang partner ng hindi na aktibong aktres kaya madali siyang makaakit ng clients at nagtiwala sa kanya.

Normal lang naman ang dating ng clients nung simula. Pero sa kalaunan, nagkakaroon na ng problema sa ibinebentang bags!

Dahil sa isang bumiling kliyente, dumating ang bag sa kliyente na may mga defect! Kumbaga, parang gamit na gamit na ‘yung idineliver sa kanya!

Nagalit siyempre ang kliyente at humihingi ng refund sa perang ibinayad. Eh kaso, nagastos na ang pera at hindi na makontak ang aktres!

Kaya ang aktor ngayon ang hinahabol upang maibalik ang pera! Hay naku, may mga ganyang sitwasyon pa pala!

‘Tapatan’

Tinapatan pala ng Batang Quiapo ang pilot telecast ng Back Rider ni Ruru Madrid ng love scene nina Coco Martin at Ivana Alawi.

Maganda man ang feedback sa TV series ng GMA at pinag-usapan ito lalo na ang eksena nung isang araw, ang balita namin, kinapos daw sa rating ang BR laban sa BQ, huh!

Of course, hindi na rin kasi masyadong relevant ang ratings ngayon. Ang mahalaga, ang load ng commercials sa show dahil nagtitiwala sa show ang advertisers na buhay ng TV series.

After all, hindi lang naman iisa ang naglalabas ng ratings sa TV shows, huh!

vuukle comment

ONLINE SELLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with