^

Pang Movies

Sunshine, pinagtatakhan ang sobrang kapayatan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, pinagtatakhan ang sobrang kapayatan!

Marami ang nabigla dahil biglang naging guest sa It’s Showtime ang mga original na sang’gre ng Encantadia ng GMA 7.

Matatandaang isa sa highest rated series ng GMA noon ang Encantadia at nagpakita ng kakayahan nilang gumawa ng ganoong serye.

Ngayon gagawa na naman sila ng ikatlong bahagi ng seryeng iyon na natural ilalabas nila sa kanilang primetime at ang reunion na iyan ng mga original sangre ay isang kumbaga ay patikim sa sisimulan nilang serye, pero bakit naman ang Showtime na ang producer ay ABS-CBN ang maglalabas noon at hindi ang noontime show ng GMA 7 na Eat Bulaga?

Ang sagot, ginawa nila ‘yun dahil kay Karylle na kasama nilang sang’gre na nag-request pala na magsama-sama silang muli.

Pero teka bakit nga ba sobrang payat ngayon ni Sunshine?

Anong nangyari? Dahil kaya sa mga pinag­daraanan niya sa personal na buhay?

Bukod sa mga sang’gre, lumitaw rin sa show ang paboritong leading man ng GMA na si David Licauco.

Kaya’t masasabing malakas ang suporta ng GMA sa Showtime.

Sa loob ng mahabang panahon, ang Eat bulaga ang kanilang noontime flag carrier, pero lumabnaw nga nang umalis ang TVJ.

Kaya ang usap-usapan, siguro raw pag-alis ng Eat Bulaga pagkatapos ng kanilang kontrata sa GMA makakalipat ang Showtime sa main channel ng Kapuso network.

Well, abangan natin.

FPJ, buhay na buhay sa fans

Mahirap talagang  talunin si Coco Martin hanggang nakakabit sa pangalan niya si FPJ.

Kaya talagang, iba rin si FPJ kahit nga matagal nang namayapa.

Siyempre andyan pa rin ang loyal followers ni FPJ na ang tingin siguro ay nabuhay kay Coco.

Kaya sino ba ang makakatalo sa Hari ng Pelikula?

Male starlet, hindi nagbunga ang paghuhubad!

Nag-eemote raw ang isang male starlet dahil ang pakiramdam niya, naisahan siya ng mga namamahala ng kanilang ginagawang serye.

Siya ang pinalabas sa sex scenes na sinasabing panggulat sa audience sa halip na ang bida, pero maliwanag pagkatapos na hindi rin naman siya ang napansin at nabigyan ng importansiya kundi ang bida pa rin.

Kasi naman, kahit na ano ang gawin mo sa anumang palabas, kung ang nagugustuhan ng tao ay hindi ikaw, doon pa rin sila susunod sa gusto nila.

Hindi lang matanggap ng male starlet na ang paniwala ay mas pogi siya kaysa sa bida, pero iyong bida, mas malakas ang sex appeal at mas magaling umarte kaysa sa kanya, kaya sapaw pa rin siya. Kung gusto lang niyang mapansin siya, madali lang iyon, ilabas na niya sa internet ang lahat ng kanyang ginawang scandal, baka talunin niya ang serye nila.

After all marami namang mahilig sa scandal ngayon.

O kaya ituloy na niya ang sinasabi niyang paglabas niya sa mga pelikula sa adult platform, na sinasabi niyang nakahanda naman siyang gawin kung ano man ang kahalayang kailangan, basta isama siya sa pelikula.

Ang isa pang drawback niya ay pogi nga siya, pero maraming nakakakilala sa kanya na nagpapatunay na sa totoong buhay bakla rin naman siya. Bakit naman mababaliw ang mga bakla sa isang bakla ring kagaya nila.

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with