^

Pang Movies

Anime Series, hango sa mitolohiya at alamat ng Pilipinas!

Dianne Canlas - Pang-masa
Anime Series, hango sa mitolohiya at alamat ng Pilipinas!

Nakipagsanib-puwersa ang Homegrown anime franchise na Solemn Vow sa mga international at local partners sa ginanap na Sugbo Entertainment Expo (SEE Cebu) noong Oct. 21.

Ang SEE Cebu ay isang annual conference kung saan nagsasama-sama ang stakeholders ng entertainment industry. Naging bahagi ng 2-day event na ito ang government agencies, private enterprises, international partners at local professionals kung saan nagkakaroon ang mga ito ng diskusyon at nagpalitan ng mga opinyon para sa creative collaborations.

Ang 13-episode anime series na tungkol sa fictional universe of magic and mystical creatures, ang Solemn Vow ay isang action-packed adventure na umiikot ang kuwento sa legendary hero family.

Ayon kay Lawrence Panganiban na creator ng multimedia franchise ay hango ito sa mitolohiya at alamat sa Pilipinas na ikukuwento sa pamamagitan ng anime. Pangarap daw nilang ipakita sa buong mundo ang pagiging malikhain ng mga Pilipino.

Ang mga producer nito ay ang Cebu-based studio Enigma Kai, Manila-based media company Fire and Ice ni Liza Diño, at Singapore-based companies na Anito Studios at Silver Media. Ang Animation giant na Toei Animation Philippines ang hahawak ng production nito habang ang veteran music producer na si Alexander Lim ang kokonsultahin para sa opening theme ng serye.

Hindi man nakapunta ay nag-iwan ng mensahe sa pamamagitan ng isang video ang Vice President ng Toei Animation Philippines na si Nestor Palabrica na masaya sa anunsyo at umaasang susuportahan sila sa proyektong ito.

Nagagalak namang ibahagi ang kanyang expertise si Alexander, na may deka-dekada nang karanasan sa pagprodyus ng musika at head ng A&R for Warner Music Philippines, bilang key consultant sa opening song nito.

vuukle comment

SUGBO ENTERTAINMENT EXPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with