^

Pang Movies

Pia at mga anak, tahimik pa sa ‘anak sa labas’ ni Francis M!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pia at mga anak, tahimik pa sa �anak sa labas� ni Francis M!
Pia at mga anak

Bumubuwelo pa yata ang mga anak ni Francis Magalona at Pia Magalona dahil wala pang nagre-react sa paglabas ni Abegail Rait at ng anak nitong si Gaile Francesca at pag-amin ni Abegail na nagkarelasyon sila ni Francis at nagkaanak.

Hindi masasabing reaction ni Pia ang post tungkol sa pagbabawal ng DENR sa pagsusunog ng dahon sa likod bahay dahil may masamang epekto sa kapaligiran at kalusugan ng tao.

Walang siyang binanggit na iba, may cryptic message lang siya after her post sa DENR na “Check the facts, go check that.”

Hindi rin si Frank Magalona, isa sa mga anak nina Francis at Pia, ang directly nag-react sa inamin ni Abegail. Ni-like lang ni Frank ang comment ng isang netizen sa  X (formerly Twitter) na na-weirduhan siya nang mapanood ang video ni Pinoy Pawnstar at tinawag na “homewrecker” at “mistress” si Abegail.

Patuloy pa ng netizen, “And people looking at this woman with sympathy and romanticizing their affair, but all I thought about it in that moment was the housewife who fought beside her cheating husband during those years of battling with cancer, all the while trying to hold her family together.”

Kasunod ng paglabas nina Abegail at anak nitong si Gaile Francesca ay ang pagba-viral ng video ni Gaile na kinanta ang Kaleidoscope World song ni Francis. Tribute raw niya ang song ni Francis sa 14th death anniversary ni Francis. In that video, ipinakilala ni Gaile ang sarili na “youngest daughter of Francis Magalona.”

Alden, walang pahinga sa pelikula nila ni Julia

Sinagot ng isang fan ni Alden Richards ang comment na between him and Julia Montes, mas OA sa pagpo-promote ng Five Breakups and A Romance si Alden. Tama naman ang sagot ng fan ni Alden na “2 things. He’s the lead actor and producer. So ganun talaga.”

Ang payo naman ng isa pang fan ni Alden sa nao-OA-han sa pagpo-promote nito ng movie, panoorin ang iba pang promo nina Alden at Julia at makikita niyang give and take ang dalawa.

Pati nga ang appreciation post ni Alden kina Julia at Direk Irene Villamor, hinanapan pa rin ng butas. Tama nga si Alden, may gawin man siya o wala, may mga basher na hindi rin niya alam kung bakit galit sa kanya. Sa interview niya kay Miss Glenda, sabi nito, matagal na siyang immune sa bashers, hindi na niya pinapansin at sanay na siya.

Samantala, present si Barbie Forteza sa pa-block screening ng Sparkle GMA Artist sa movie nina Alden at Julia last Wednesday. Magkatabi sina Barbie at Alden at makikita sa picture na tawang-tawa si Barbie. 

Bale ba, magiging busy uli ang actor sa promo and this time, sa Metro Manila Film Festival movie naman nila ni Sharon Cuneta na A Family of 2 (A Mother and Son Story).

vuukle comment

FRANCIS MAGALONA

PIA MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with