^

Pang Movies

Pia, laglag sa cover mag ng mga ex-beauty queen!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pia, laglag sa cover mag ng mga ex-beauty queen!

MANILA, Philippines — Ang ganda ng cover ng October issue ng Vogue Philippines na magkakasama sina Miss World 2013 Megan Young, Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe 2022 R’ Bonney Gabriel at Miss International 1979 Melanie Marquez.

Ang ikinaganda pa ng cover, black and white ang photo at naka-suit ang mga beauty queen at hindi nagpabonggahan sa suot na gown. Mas fresh silang tingnan lalo at light lang ang mga makeup.

Ang caption pa ng Vogue Philippines ay “Five Filipina Beauty queens gather for a “crown conversation,” touching on topics such as manifesting, changing mindsets, and the pursuit of happiness.”

Hinanap si Pia Wurtzbach, bakit hindi raw kasama sa cover.

Ang sagot na rumarampa siya sa France ay hindi pinaniwalaan ng netizens dahil matagal na ang photo shoot nito. Mas tama ang comment na baka hindi part ng project si Pia.

VIP night ticket ng concert nina Sharon at Gabby, P25K

Kung mahal na ang P18K+ na tiket sa Dear Heart The Concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepion sa Oct. 27, sa SM MOA Arena, ‘di hamak na mas mahal ang tiket para sa Dear Heart VIP Night sa Okada Manila sa Oct. 30.

Pinost na nina Sharon at Gabby ang ticket for their Oct. 30 concert na ang VIP 1 Dear Heart Package ay P25,000. May kasama itong reserved seat, with matching welcome drink, sumptuous dinner, Dear Heart memorabilia, exclusive VIP merchandise, at photo opportunity.

Ang VIP 2 ticket ay P18, 500 (same ticket price sa MOA Arena concert), at ang VIP 3 ay P9,500. Lahat reserved seat at may kasamang sumptuous dinner, wala lang photo opportunity at memorabilia. Ang advantage nito, mas malapit na makikita sina Sharon at Gabby na kumakanta.

May nabasa kaming nagrereklamo sa sobrang mahal daw ng tiket, pero mas mahal pa rin ang tiket sa K-pop concert na laging sold out. May nag-request naman na sana walang magpa-cute sa concert, be matured daw, be responsible and respectful.

Samantala, in-announce ni Sharon na guest at opening number sa Dear Heart concert ang Kindredism. ‘Yung ibang guests, saka na i-a-announce nina Sharon at Gabby. Hintayin na lang ng fans!

Darren at Cassy, hinihintay umamin

Sina Darren Espanto at Cassy Legaspi pa rin ang magka-date sa ABS-CBN Ball 2023 at sila rin ang magka-date sa GMA Gala Night 2023. Yet, wala pa ring pag-amin sa status ng kanilang relasyon, pero hindi na yata kapani-paniwala na friends lang sila o kahit best friends.

Tanong nga ng fans, bakit hindi pa aminin nina Darren at Cassy na sila na, wala namang tutol sa kanilang relasyon. In fact, tanggap na tanggap si Darren nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at kay Darren lang sila nagtitiwala at pinayagan na nga nilang mag-travel si Cassy abroad with Darren at may kasama si Cassy.

Hindi rin kontra kay Darren si Mavy Legaspi, close friends din sila ni Darren at nagpu-foursome date pa nga sila dati with Kyline Alcantara. Saka, nasa edad na sina Cassy and Darren to have a relationship, kaya hindi maintindihan kung bakit ayaw pa nilang umamin.

Anyway, magkasama sa pelikulang When I Met You in Tokyo sina Cassy at Darren. Hintayin natin ang mediacon ng movie na intended daw for 2023 Metro Manila Film Festival kung may aminan na mangyari sa dalawa.

vuukle comment

VOGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with