^

Pang Movies

Tipid daw, hindi pa mainit Sen. Robin, pinauso ang walang salwal?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Tipid daw, hindi pa mainit Sen. Robin, pinauso ang walang salwal?!
Sen. Robinhood Padilla
Geremy Pintolo

Naglaho na nga ba ang pag-hello ng lawit ni Sen. Robin Padilla habang nagla-live selling ang misis niyang si Mariel Rodriguez?

Nope. Ang dami pa ring nagkalat.

Naka-Muslim robe nga ang dating actor nang yumuko siya pero nag-hello ang kanyang ‘junjun.’

At confirmed, hindi raw mahilig mag-brief ang senador.

Ilang segundo lang naman ang nasabing video pero maraming naka-screenshot dito at massive ang reaction.

Actually, wala namang bashing pero hindi maka-move on ang maraming nakapanood sa nasabing video.

At ang tanong nga nila, kahit daw kaya sa senado hindi nagsusuot ng salwal ang senador?

Aliw na aliw raw ang mga kapwa senador sa nasabing video at pinag-uusapan ito.

May ilang nag-react naman na bongga si Sen. Robin, pauusuhin ang walang salwal na tipid na raw, hindi pa mainit.

Jay Sonza, kinakapos sa pagpapa-hospital

Naka-oxygen at nanghihingi raw ng tulong ngayon ang controversial former broadcaster na si Jay Sonza.

Lumapit nga diumano  ito sa Department Social Welfare and Development (DSWD) para humingi ng tulong dahil may pneumonia ito sa kasalukuyan at may saklay pa raw ‘pag naglalakad.

Pero sa Davao del Sur.

“Confined at Viacrucis Medical Hospital, Bansalan, Davao del Sur due to Pneumonia for 6 days now. Mukhang kailangan ko na tulong ng mga kaibigan. Kinakapos na ako para sa gamot na binibili sa labas. Walang government hospital dito sa probinsiya namin.

“Kailangan na saklolo ngayon. Paki relay na lang sa mga gustong makaalalay. Thank you po.

“Nakakawalong tangke na ako ng oxygen since september 19,” ang message nito kung saan nakalagay pa ang kanyang account number.

Maalalang pansamantalang nakalaya si Mr. Sonza mula sa Quezon City Jail matapos magpiyansa ng P300,000 para sa patung-patong na reklamong kriminal.

Inaresto ito dahil sa diumano’y syndicated estafa and large-scale illegal recruitment ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nabansagang ‘fake news spreader’ si Mr. Sonza noon at may mga natuwa nang makulong ito.

Carla, gustong makatambal si Piolo

Wala na sa sistema ni Carla Abellana ang dati niyang asawang si Tom Rodriguez.

Ito ang inamin ng actress nang salubungin siya ng All Access to Artists (Triple A) ni Mike Tuviera, ang kanyang bagong management group noong isang gabi.

Pero aminado si Carla na nahirapan siyang burahin ang aktor pero nakaya niya.

“Ngayon, sobra pa sa burado kumbaga,” umpisa ng Drama Goddess.

“May mga tao ngayon (na nagsasabi) na it’s so easy to say but it’s so hard to do. ‘Di ba madaling sabihin, mahirap gawin. But for me, moving on is… hindi naman pinipilit, walang oras and of course napakahirap niyang gawin and may sarili siyang timing, parang ganon,” paliwanag pa ng actress na since May pa of this year wala nang kontrata sa GMA 7.

“Hindi mo mape-predict kung kelan siya mangyayari, and kanya-kanya ‘yan, parang walang formula or hindi pantay-pantay, hindi pare-pareho, parang ganon. So moving on, I guess parang basta nararamdaman mo lang in your self na wala kang bigat na dala-dala, parang may peace ka, parang ganon, parang nararamdaman mo ‘yung peace or nahanap mo ‘yung peace.

“Para sa akin pareho ‘yon, moving on and peace, parang to me pantay sila. As long as you found your peace and wala ka nang bigat na dala-dala, you can say that you’ve moved on already. As long as you’re happy where you are then you can say that you’ve moved on already,” klarong sabi pa ni Carla na pangarap makatambal si Piolo Pascual at handang makatrabaho si Coco Martin.

At idinescribe niya kung gaano kahirap ang kanyang ginawa. “Syempre hindi naging madali, akala po natin ‘di ba madali yon ‘I forgive you,’ ganon lang po ‘di ba, pero napakahirap pong gawin or ibigay saka mas na-realize ko gaano siya kaimportante para sa sarili niyo po, kumbaga mas na-realize ko yung forgiveness, kung gaano siya ka-importante sa para sa sarili mo not for the person you’re giving your forgiveness to, parang ganon. Saka ‘yung bigat po niya na talagang inyo pa rin po na hindi niyo basta-basta maibibigay. So of course, mahabang proseso po ‘yon, mahabang panahon at hindi po nagiging madali pero hinayaan ko lang po. Hindi ko po pinilit ‘yung sarili ko. I took my time, ginawa ko lang po kung ano ‘yung mga pinlano kong gawin,” ang mahaba pa niyang kuwento sa karanasan sa pagpapatawad at pagmo-move on na aniya ay nakaramay niya ang mga alagang aso sa kanyang pinagdaanan.

Sa ngayon ay maraming plano ang Triple A kay Carla.

Mas magiging active rin siya sa social media at hindi pa siya handang ma-in love ulit kahit na may mga nagpaparamdam na.

VP Sara ‘di bumaba ng hotel room; Vhong at Cedric Lee muntik magkita sa party ni Sen. Bong

50/50 ang attendance from showbiz and politics sa 57th birthday and 50th showbiz anniversary celebration respectively ni Sen. Bong Revilla noong nakaraang Monday night na ginanap sa Okada Manila.

Kung maraming artista, ang dami ring pulitiko.

Hindi nga lang dumating si Vice President Sara Duterte.

May una nang nag-advise na darating si VP Duterte at naka-check in na raw ito sa nasabing hotel. Pero hanggang natapos ang party ay hindi nakita ang VP ng bansa.

Pero andun si Speaker Martin Romualdez.

At doon nagbulungan at pinaalala na nagkaroon diumano ng ‘rift’ ang VP at ang Speaker of the House.

Nasa nasabing party rin si Vhong Navarro. Pero andun din pala ang tumestigo sa isinampang kaso ni Deniece Cornejo laban kay Vhong kung saan napawalang sala naman komedyante.

Andun din ang magkapatid sa ama na sina Senators Jinggoy and JV Ejercito pero kanya-kanya sila ng table at tropa.

Samantala, ang buong selebrasyon na pinamagatang Idol Ko Si Bong ay mapapanood sa isang TV special sa GMA sa Oct. 7, 2023.

ROBINHOOD PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with