^

Pang Movies

Lovely, nagka-postpartum depression pagkatapos ng operasyon

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Lovely, nagka-postpartum depression pagkatapos ng operasyon
Lovely Abella

Nakalabas na ng ospital si Lovely Abella makaraang operahan dahil sa pagkakaroon ng impeksyon kasunod ng kanyang panganganak.

Bagaman masaya si Lovely na kapiling na niya ang bagong silang niyang sanggol na si Baby Liam, sinabi ng aktres na hindi pa niya mapapadede ang anak.

“’Di pa ako makakapag breastfeed hanggang Oct. 1 dahil matatapang po ang mga gamot ko,” sabi nito sa kanyang post sa Instagram para magbigay update sa kaniyang kalagayan.

Muli siyang nagpasalamat sa mga nagdo-donate ng gatas para sa kanyang baby.

Ayon kay Lovely, pinayagan na siya ng mga doktor na sa bahay na ipagpatuloy ang kaniyang pagpapagaling.

“After three days pumayag ang mga doctors ko dahil nagkaka-post-partum depression na yata ako, dahil ‘pag patay ang ilaw sa hospital naninikip ang dibdib ko at bigla akong umiiyak nang malakas.

“Kaya natin lahat pero ang mawalay sa pamilya ang isa sa pinakamasaklap na pangyayari na minsan kailangan nating harapin,” sey ni Lovely.

Vaness, naging ‘kaklase’ si Bea

Milestone para kina Sef Cadayona at Vaness del Moral ang makasama si Bea Alonzo sa isang serye tulad ng Love Before Sunrise.

Masaya naman si Vaness na makatrabaho si Bea matapos nilang magka­kilala sa isang workshop noon.

“First time ko makakasama si Bea. Nakasama ko siya sa scriptwriting workshop with Sir Ricky Lee. Ilang Sundays kaming magkasama doon. We got to know each other. I was also excited to work with her kasi siyempre first time, first time ko siyang makaktrabaho. Halos lahat yata ng artista sa GMA nakatrabaho ko na so siyempre bago para sa akin na makatrabaho si Bea because first time ko siyang makakasama sa GMA.”

vuukle comment

LOVELY ABELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with