^

Pang Movies

Lovely, enjoy sa pagpapadede  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Lovely, enjoy sa pagpapadede           
Lovely

Nanganak na noong Sept. 17 ang comedian-entrepreneur na si Lovely Abella sa unang anak nila ng asawang si Benj Manalo.

Liam Emmanuel ang pangalan ng baby boy nila. Hindi nga raw naging madali kay Lovely ang pinag­daanan niyang pagbubuntis. Naka-bedrest daw siya ng ilang buwan dahil medyo delikado ang pagbubuntis niya.

Ngayon ay enjoy si Lovely magpa-breastfeed sa kanyang baby boy. “Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko, ng mga oras na to wala akong kinapitan kundi ang Faith ko kay Lord na hindi niya kami pababayaan ang pagmamahal sakin ng Asawa ko @benj Pamilya at mga kaibigan ko at ang mga dasal ninyo,” caption ni Lovely sa kanyang IG post.

Vince at Cheska, sinuportahan nina Dennis at Bea!

Masuwerte ang Sparkle artists na sina Vince Maristela at Cheska Fausto dahil kasama sila sa cast ng Love Before Sunrise ng GMA at Viu Philippines.

Sa naganap na yellow carpet event ng naturang teleserye sa SM Megamall Cinema 2, inamin ng dalawang Sparkada members na sobra silang na-starstruck sa mga bida na sina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

Kuwento nina Cheska at Vince na halos lahat ng eksena nila ay kasama ang dalawang big stars. Pareho raw silang kinakabahan pero very suppor­tive raw sina Dennis at Bea at pinapanood daw nila ang mga eksena nila kahit ‘di sila kasama.

Obviously na may relasyon sa totoong buhay sina Vince at Cheska. Kita iyon sa social media accounts nila.

Gusto namin sanang tanungin si Vince kung ano ang nangyari sa kanila ni Roxie Smith na unang nakarelasyon niya bago si Cheska?

Si Roxie ang naging date niya last year sa GMA Gala at sa Halloween event ng Sparkle. Pero after a year, si Cheska na ang naka-date niya sa GMA Gala at laman ng kanyang socmed. Nawala na ang photos nila ni Roxie.

Sa isang interview ni Cheska, naging close raw sila ni Vince nung magkasama sila sa teleserye na Luv Is: Caught In His Arms.

Sa Instagram ni Roxie, puro solo photos lang at panay ang pagbiyahe niya. Mukhang wala pa siyang bagong boyfriend after ni Vince.

Hollywood actor Al Pacino, bihirang makita ang anak sa GF na 29 years old

Pagkatapos magkaroon ng baby si Al Pacino sa kanyang girlfriend na si Noor Alfallah, naghiwalay na sila at nag-file si Noor ng physical custody para sa anak nilang si Roman.

Ayon sa isang source, hindi na raw madalas makita ng 83-year-old veteran Hollywood actor na kasama ang 29-year-old girlfriend.

Hindi pa rin daw nakikita ng ibang anak ni Pacino ang bago nilang kapatid.

Sa nai-file na legal documents, ni-reveal ni Alfallah na bukod sa physical custody of the baby, hiling din niya ay “reasonable visitation” mula kay Pacino. She also wants to share legal custody with the two-time Oscar winner.

Kasama rin sa ang “voluntary declaration of parentage,” na pipirmahan ni Pacino at ng isang witness na si Pacino ang biological father.

vuukle comment

LOVELY ABELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with