^

Pang Movies

Vice at Ion, kinasuhan!

Dianne Canlas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng grupong Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBP) ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez noong Sept. 11 sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag ng cybercrime law.

Pero walang gaanong detalye na ibi­nigay ang abogado ng grupo na si Atty. Mark Tolentino tungkol sa isinampa nilang kaso. Nahaharap daw ang magkarelasyon sa paglabag sa Section 6 of Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon dito ay magsasalita ang grupo sa gaganaping press conference ngayong araw, Sept. 13, upang ipaliwanag ang dahilan ng pagsampa nila ng kaso sa controversial couple.

Samantala, tinawag sila kamakailan ng Chief Presidential Legal Counsel na si Sec. Juan Ponce Enrile ng “salacious” at “bastos” na hindi naman pinatulan ng komedyante at sa halip ay positibo ang naging diumano’y pagsagot nito sa programa.

Maaalalang nagsimula ang kontrobersiya nang ireklamo sina Vice at Ion dahil sa pagdila sa icing ng cake sa Isip Bata Segment ng It’s Showtime na sinundan ng pagsuspinde sa programa sa free TV ng Movie and Television Review and Classification Board kung saan nakatanggap ng sobrang pamba-bash ang chairman nitong si Lala Sotto.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with