Aktres, natatakot para sa anak na nagbura ng post
Nangangamba raw ang isang aktres para sa kanyang nag-aartista na ring anak kaugnay ng burado nang post nito sa social media sa hindi niya pinangalanang aktor na kasama sa project ng anak.
Walang direktang pangalan ng aktor na tinukoy ang aktres. Pero sa nakakakilala sa aktor, alam nilang may attitude rin ito sa trabaho kaya naman bihira siyang kunin sa movie o TV, huh!
Eh ayon sa malalapit sa aktres na matapang din kapag nasa katuwiran, wala siyang dapat ikatakot sa aktor!
Kahit may iniingatang pangalan ang aktres, harapin niya ang aktor kung sakaling ang anak ang gantihan ng aktor!
- Latest