^

Pang Movies

Vina, ten years ang hinintay bago nakapasa sa Broadway play

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Vina, ten years ang hinintay bago nakapasa sa Broadway play
Vina
STAR/ File

Paalis ngayong Aug. 27 (Sunday) ang seasoned singer-actress na si Vina Morales for a series of shows in the US bukod pa sa rehearsals for her Broadway debut, ang Here Lies Love in New York City starting Sept. 22, to Oct. 22, 2023.

Unknown to many, Vina auditioned for Here Lies Love some 10 years ago and she only got a callback 10 years later from award-winning Broadway Diva, singer-actress Lea Salonga and Bobby Garcia ng Atlantis Productions.

Lea and Bobby asked Vina na magpadala ng self video audition nito for the role at nakuha niya ito.

Pamilyar kay Vina ang director na si Alex Timbers at David Byrne nang siya’y mag-audition for Here Lies Love sampung taon na ang nakakaraan.

Ang Here Lies Love ay kuwento ng dating First Lady ng Pilipinas na si Imel­da Romualdez Marcos at pag-iibigan nila ng yumaong dating Presidente na si Ferdinand Edralin Marcos, na ang role ay ginampanan ng singer-actor na si Mark Bautista sa West End run nito nung 2014 maging ang off Broadway run in Seattle, USA nung 2017.

Hindi na umasa pa si Vina na magiging bahagi pa siya ng musical play kaya nag-concentrate na lamang siya sa kanyang career bilang singer-performer at actress sa Pilipinas and doing shows and concerts sa ibang bansa.

Pero bago sumabak si Vina sa rehearsals for Here Lies Lies in New York for her Broadway debut ay tinatapos muna nito ang mga eksena niya sa kanyang Viva comeback movie, ang Sunny, an adaptation ng Korean movie na may titulong Sunny. May dinner concert din siya on Sept. 1, 2023 sa Royal Hawaiian Center in Hawaii na susundan ng kanyang back to back show with David Pomeranz on Sept. 16 na gaganapin sa The Grand Theater in Anaheim, California na pinamagatang Two Hearts. Pagkatapos nito ay saka lamang lilipad patungong New York City, USA si Vina sa pagsisimula ng kanyang rehearsals for Here Lies Love kung saan niya gagampanan ang role ni Aurora Aquino, ang butihing ina ng yumaong si Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino.

Si Vina ay unang sumalang sa musical play sa pamamagitan ng Rock of Aegis produced ng Atlantis Productions. Dito ay gumanap si Vina as Sherrie.

Ang comeback movie ni Vina sa Viva Films ay ang Sunny na pinamamahalaan ni Jalz Zarate. Kasama ni Vina sa nasabing movie sina Heaven Peralejo, Aubrey Karaan, Bea Binene, Ashley Diaz, Heart Ryan Evangelista, Marco Gallo, Jao Mapa, Joko Diaz kasama sina Angelu de Leon, Sunshine Dizon, Ana Roces, Candy Pangilinan, Katya Santos at Tanya Garcia.

“I’m so excited on this movie,” pahayag pa ni Vina na super busy ngayon at mawawala sa Pilipinas ng mahigit dalawang buwan.

vuukle comment

SUNDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with