^

Pang Movies

Ricky at Gina, nagpakilig kahit mga senior na

STARTALK - Lolit Solis - Philstar.com
Ricky at Gina, nagpakilig kahit mga senior na
Ricky at Gina

Talagang dapat magmalaki sina Atty. Dimple at Papa Caesar Vallejos ng Net25. Ang ganda raw talaga ng movie nila na ginawa na Monday First Screening na starring Ricky Davao at Gina Alajar na nagkaroon ng premiere night.

Hangang-hanga ang mga nanood dahil sa magandang story at siyempre pa sa acting ng lead stars. Ang ganda ng unang project ng Net25 kaya naman umaasa ang marami na ito na ang start ng muling pagiging masigla ng showbiz.

For sure mae-excite na namang mag-produce ang ibang producers ‘pag nakita na maganda ang resulta ng pelikula ng Net25.

Heart, kinumpara ang friendship breakup sa pangnanakaw!

Nilantad ni Heart Evangelista kung paano niya pahalagahan ang mga kaibigan at ang sakit na nararamdaman niya tuwing nakakaranas ng friendship breakup.

Ibinahagi niya ang mga natutunan niya pagdating sa pag-aalaga sa pagkakaibigan lalo na ‘pag nasa showbiz.

Inamin niya na malungkot ‘pag nasa itaas ka na inaakala naman ng iba na masaya ‘pag tinitingala ka gaya niya.

“I used to think when you’re down people who are with you when you’re down are the ones that truly love you. It’s actually the opposite. When you’re up and you’re doing very well, it’s lonely kumbaga to be where you are,” pahayag ng misis ni Chiz Escudero.

Clingy raw pala talaga siya pagdating sa mga kaibigan niya dahil konti lang daw ang mga kaibigan niya at lagi siyang outsider noon sa kanilang school. Lagi rin daw siyang nami-misunderstood.

Kaya masakit daw para sa kanya ang friendship breakups dahil hindi lang kaibigan ang turing niya sa mga ito kundi pamilya na rin.

vuukle comment

RICKY DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with