^

Pang Movies

Anthony at Maricel, inaming muntikang maghiwalay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anthony at Maricel, inaming muntikang maghiwalay!
Anthony at Maricel

Kinumpara ng mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan ang relasyon nila sa isang marathon.

Ikinuwento nila sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda ang mga pinagdaanan nila sa kanilang pagsasama.

Ayon sa kanila, ang pagsasama nila ay isang marathon, mahaba, maraming pagsubok, at maraming pagdaraanan.

Nilunsad pala nila ang libro nila nitong buwan ng Agosto tungkol sa married life na may titulong Marriage is a Marathon. Dito ay ibinahagi nila ang mga natutunan nila na maaaring makatulong din sa ibang mag-asawang humaharap din sa pagsubok.

Pahayag ni Maricel, “It talks about the marathon we’ve run around the world. So marami kaming lessons na natutunan doon, preparing, racing, recovering, and naisip namin, aba lahat ng lessons na ‘to puwede sa mga mag-asawa.”

Inamin din nilang muntikan na silang maghiwalay noon dahil sa pagkakaiba ng kanilang personalidad.

“Siyempre marami kaming natuklasan about each other. Mga little things lang pero things that would annoy you,” ayon sa batikang aktres.

Dagdag niya, “I think ‘yung mindset na alam mo nang this is the one and you want to make it work without really thinking about it, I was adjusting to him.”

Merong limang anak sina Anthony at Maricel na sina Ella Pangilinan, Hannah, Benjamin, Solana at aktor na si Donny.

vuukle comment

ANTHONY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with