^

Pang Movies

Junior actor, tadtad ang utang sa ex!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagbibida na sa movies at TV series ang junior actor na ito. Nagkakaroon naman siya ng sikat na girlfriend pero hindi nagtatagal ang kanilang relasyon.

‘Yung isang naging girlfriend ng aktor, sikat at mayaman. Pero hindi nga sila nagtagal!

Ikinuwento ng source namin na madalas utangan ng aktor ang sikat at mayaman na GF. Ang nakakaloka eh pati raw ng nanay ng aktor eh umuutang sa aktres, huh!

Nagkahiwalay na ang dalawa.

May bagong GF ang aktor. Aktres din pero hindi pa ganoon kasikat kahit napapanood na rin sa TV at movies.

Pero mayaman ang pamilya ng baguhang aktres. Karelasyon pa rin niya ang aktor.

Naku, dahil mayaman ang pamilya ng aktres, may chance na  mautangan din siya ng aktor, huh!

Ricky at Gina, nagkadebelopan sa sinehan

Nakatikim ng loveteam si Ricky Davao sa edad niyang ito. At ang ka-loveteam niya? Si direk Gina Alajar!

Yes, nabuo ang Gin-Ri (Gina-Ricky) dahil sa pelikulang Monday First Screening ng Net 25 Films!

Sina Gina at Ricky ang bida tungkol sa dalawang senior citizens na nanood nang libre sa sinehan tuwing Lunes sa first screening ng movie.

“Nakakatuwa dahil sa age namin ni Ricky eh may nagtiwala pa sa aming maging bida at tungkol sa love ang tema, huh! Mabuti na lang, komportable na ako kay Ricky kaya tawanan na lang kami nang tawanan sa ilan naming eksena,” pahayag ni direk Gina nang maging guest namin sa Marites University YouTube channel.

Si direk Ricky naman, hindi niya ipinagkailang may tinatangi siya ngayon pero okay naman ang relasyon ng ex-wife na si Jackie Lou Blanco kahit hiwalay na sila!

Ang Regal Entertainment ang distributor ng Monday First Screening na mapapanood sa Aug. 30 sa 100 cinemas!

vuukle comment

RICKY DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with