^

Pang Movies

Matteo at Goma, pararangalan sa Motorsport Carnivale

Dianne Canlas - Pang-masa
Matteo at Goma, pararangalan sa Motorsport Carnivale

MANILA, Philippines — Nag-umpisa na kahapon ang Motorsport Carnivale 2023, ang sinasabing pinakamalaking motorsport event sa Pilipinas.

Ginaganap ito sa Okada Manila sa Parañaque City.

Pinangungunahan ito ni Parañaque City Councilor Jomari Yllana, isang long-time racing enthusiast at principal driver ng pro racing team na Yllana Racing, kasama ang kaibigan niyang si The Automobile Association Philippines head Rikki Dy-Liacco.

Layunin ni Jomari na maengganyo ang mga Pilipino na yakapin ang mahalagang kasaysayan ng Philippine motorsports sa pamamagitan ng pagtitipun-tipon sa lahat ng racing enthusiasts at fanatics sa isang komunidad.

Umaasa rin siyang maibabalik ang glory days ng motorsports sa bansa kagaya noong mga panahong ginanap ang Philippine Grand Prix sa Manila, taong 1973 hanggang 1976. 

Presented by Okada Manila, ang Motorsport Carnivale 2023 ay isang 5-day sporting event kung saan tatapusin ito sa pamamagitan ng Philippine Rallycross Series na inaasahang dadaluhan ng humigit-kumulang 50 racers papunta at pabalik ng Tarlac.

Isa sa highlight nito ay ang CART, ang Car Meet bilang pag-alala sa founding father ng Cavite Auto Racing Team na si Eduardo ‘Mang Ed’ del Rosario.

Inaasahang magsasama-sama ang mga collector ng mga pambihirang racing cars at motorsport gadgets. Habang ife-feature naman sa Autocross Race ang humigit-kumulang 150 cars sa Linggo.

Marami ring celebrities ang makikilahok sa kumpetisyon pati ang panganay na anak niya na si Andre Yllana ay kasali rin sa Autocross, na nangangarera na rin.

Bukod sa kumpetisyon, pararangalan din nila ang mga celebrity na malaki ang naiambag sa motorsports gaya nina Matteo Guidicelli, Michele Bumgarner at Cong. Richard Gomez.  “We have a long list of competitors na coming from showbiz. Kalat-kalat ‘yung category until we see ‘yung naka-list dun sa competition, that’s only the time that we can tell na pumasok sila at sasali sila. My eldest will compete, Andre, in the Autocross. Rikki’s son also, Ricardo, will be competing in Autocross. We have special awards to be given on Sunday sa awarding ng… parang talagang nakaka-relate ako dun sa pinagdaanan namin lahat.

“Special awards will be given, Matteo Guidicelli for everything that he was able to achieve and contribute sa motorsports ng Pilipinas. Malaki ‘yon pero kadalasan bulong lang, ‘di ba. Napag-uusapan lang nung nakakaintindi before ‘yung stardom ni Matteo. He was a big, big part. Other one is Michele Bumgarner, retired, very very high level she reached in the car level. Celebrity din pero alam mo ‘yon. Lastly Cong. Richard Gomez will be given a special award also for… lahat ng achievements nila, contribution. Goma was very very big. And also ‘yung achievements niya as a champion sa cart racing.”

Samantala kasama rin ni Jomari sa pagbubukas ng Motorsport Carnivale 2023 sa Okada ang fiancée niyang si Abby Viduya.

Ayon kay Jomari ay gaganapin ang civil wedding nila sa November sa Las Vegas, Nevada ngayong taon at isusunod ang church wedding next year dito sa Pilipinas sa hometown niya, Peñafrancia sa Naga City sa Camarines Sur.

Paliwanag niya ay hindi siya pwedeng mawala nang matagal sa trabaho bilang counselor kaya mabilisan lang silang lilipad papuntang Las Vegas para sa kanilang civil wedding sa Halloween.

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with