^

Pang Movies

Kiray, may pa-P100K sa tatay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kiray, may pa-P100K sa tatay!
Kiray at Tatay

Ang bongga naman ni Kiray Celis sa regalo niya sa birthday ng kanyang tatay na si Jonathan.

Talagang sinigurado niyang mapapasaya niya ito sa 64th birthday nito.

Ipinakita niya sa social media kung paano niya ito sinorpresa sa pamamagitan ng hinanda niyang laro para rito. Pinaglaro niya ito ng Pera o Bayong kung saan may lamang regalo ang bawat bayong.

“Sobrang gastos pero dahil sobrang love kita, Happy happy birthday papa! Hihihi! I love you pa!” caption niya sa kanyang post. 

Sa huli ay kahit ‘di napili ng kanyang tatay ang tamang bayong ay ibinigay pa rin niya ito na naglalaman ng gold jewelry, cellphone at P100K. Doon na nga naging emosyonal ang tatay niya.

At hindi lang ito ang nakatanggap ng regalo kundi pati ang mommy niyang si Meriam ay binigyan din niya ng gold na singsing at cash.

Wala talagang palya si Kiray sa pagsorpresa sa kanyang mga magulang. Dahil kada birthday ng mga ito ay bongga talaga ang mga regalo niya sa mga ito na kahanga-hanga sa kanya.

vuukle comment

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with